MAS MAKATUTURAN BA SI JAKE ZYRUS?

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

MUKHANG mas makatuturan ang sinasabi ngayon ni Jake Zyrus tungkol diyan sa SOGIE bill. Tama ang obserbasyon ni Jake na nagsabing kung ang batas ay laban sa diskriminasyon sa anumang klase ng tao na nakakaranas nang ganoon sa iba’t ibang dahilan, magiging pabor siya sa panukalang batas.

Pero inamin niyang ang napansin niya ay tila laban lamang iyon sa sinasabing diskriminasyon ng isang sektor lamang. Papaano nga naman ang iba? Mukhang hindi rin malinaw sa mga sumusuporta riyan sa SOGIE bill, ang ibang epekto ng panukalang batas.

isang madre na ipinagpipilitan ang batas, pero hindi masagot kung papayagan nila ang mga transwomen sa kanilang exclusive girls’ school. Lalo siguro niyang hindi masasagot kung may isang transwoman na magpunta sa kanila para maging madreng kagaya niya. Kung hindi nila papayagan iyon, masasabi bang discrimination din?

Kaya nga ang sinasabi ni Jake, sana unahin ng mga mambabatas ang mas malalaking problema ng bansa, kagaya nga noong paghihirap ngayon ng mga magsasaka dahil sa napakamurang halaga ng kanilang palay, at nalulugi na sila. Maaari rin nga namang mas pagtuunan pa ng pansin ang edukasyon na kulang na kulang naman talaga, kaysa riyan sa SOGIE bill na iyan na nagsimula lang naman dahil sa isang transgender na  hindi pinapasok sa CR ng mga babae sa isang mall.

Iginigiit ni Jake na siya ay isang transman, pero alam niya kung ano ang kanyang sex simula nang ipanganak siya. Hindi niya ipinipilit kung ano ang gusto niya kung di kung ano ang reality, kaya ginagamit pa rin niya ang CR para sa mga babae dahil babae naman siya.

Parang hindi nga masyadong problema iyan ng mga lesbians eh, ang talaga nang nagpipilit na kilalanin silang babae ay iyong mga gays, na hindi pa rin lahat.

NAGULAT BA KAMI SA PAGKAHULI KAY DEBORAH SUN?

Hindi na kami nagulat nang lumabas ang balita na nahuli si Deborah Sun, na Jeanne Louise Porcuna  Salvador  sa tunay na buhay, kasama ang kanyang anak na si Angela Porcuna sa isang condominium sa Cubao, dahil sa kaso ng droga. Ang condo ay sinasabing pag-aari ng aktres na si Ara Mina, na dahil naawa naman sa kapwa aktres ay pinayagang doong muna tumira sa kanyang condo nang walang bayad dahil wala ngang matuluyan.

Nagsimula siyang tumira sa condo na iyon matapos niyang makalaya sa Correctional Institution for Women, kung saan naman siya nakulong ng ilang taon din dahil sa kasong isinampa laban sa kanya ng aktres ding si Lorna Tolentino.

Iyang si Deborah, ay anak ni Leroy Salvador kay Baby Porcuna.

***

Kaya ba may istambay na  poging bros…

 MAY LQ SI SHOWBIZ GAY AT ANG FAVE TALENT?

Mukhang may problema na nga ang showbiz gay sa kanyang favorite talent. Sikat na kasi talaga sa ngayon si “favorite talent” at mukhang minsan ay “hindi na pumapayag sa mga requests” ng showbiz gay. Kaya ngayon nga, sinasabing may alaga siyang “brothers”.

Wala naman daw commitment si showbiz gay sa “brothers” na pasisikatin niya ang mga iyon. Basta binibigyan niya sila ng datung kung kailangan nila.

Ganoon yata talaga ang buhay ngayon.

 

Related posts

Leave a Comment