MARKUS PINAGSELOSAN SI JOSHUA

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

ILANG buwan nang bulung-bulungan ang pagkakaroon umano ng espesyal na ugnayan nina Janella Salvador at Markus Paterson. Kamakailan ay dumalo ang aktor sa birthday celebration ng ama ni Janella na si Juan Miguel Salvador.

Nagpunta rin ang aktres nang magdirang naman ng kaarawan ang ina ni Markus. Opisyal na nga bang magkasintahan ang dalawa ngayon? “I’m gonna say the same thing. What we have is between us, I want to keep it that way. She said she didn’t want to have a relationship with the rest of the world. I just want to respect that, I don’t want to say anything. To confirm or deny it. We’re not hiding. We don’t hide from anyone. It’s just not right time for anything. She’s very successful with the show (The Killer Bride) and that should keep going. Our families like each other, my family likes her and her family likes me. My mom likes her, my dad likes her too,” makahulugang pahayag ni Markus.

Maayos ang pakikitungo ng aktor sa ama ni Janella at minsan na rin daw siyang kinausap nang masinsinan ni Juan Miguel tungkol sa dalaga. “Good, we get along because of music. He talked to me about Janella once. The only time he talked to me tungkol kay Janella was, he said, ‘Janella needs good people in her life right now. I hope you know that.’ I said, ‘Of course, I’ll do my best to make sure that people around her are good,” kwento ng binata.

Samantala, aminado si Markus na pinagseselosan niya noon ang katambal ni Janella sa teleseryeng ‘The Killer Bride’ na si Joshua Garcia. “Noong una yes, of course that’s a natural thing. You’ve got to think about it, it’s work. Silang dalawa ay sobrang mahusay na artista. The chemistry is great. Kahit ako (kinikilig) now, but not before. Joshua is a great guy,” natatawang pagtatapat ng aktor. -Reports from JCC-  

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment