MARIAN GUSTONG MAG-EXTEND NG MATERNITY LEAVE

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

KUNG si Marian Rivera ang masusunod, gusto pa niyang mag-extend ng maternity leave niya dahil talagang tutok siya sa pag-alaga sa bagong baby nila ni Dingdong Dantes na si Sixto o si Ziggy.

Pero unti-unti na siyang bumabalik sa trabaho, gaya nitong endorsement niyang Kultura na kung saan ni-renew ang kontrata niya bilang brand ambassadress nila.

Nagkaroon sila ng contract-signing nung nakaraang Martes ng hapon sa SM Megamall at talagang dinagsa siya roon ng napakaraming fans.

Sabi nga ni Marian, sinulatan na raw siya ng GMA 7, pati nga  ang programa niyang Tadhana na pinapabalik na siya sa trabaho.

Pero priority raw niya talaga ang pamilya at pag-aalaga sa dalawang anak nila ni Dingdong.

“Ang isa sa pinakamahirap na trabaho pero napakarewarding, ang pagiging nanay.

“Kay Zia sobrang busy na ako, what more may newborn pa ako. “Nakakatuwa, ang sarap kasi si Zia pumapasok na uli sa school, so ako rin

yung hatid at sundo.

Si Ziggy alam mo, gutom lagi, nagbi-breastfeeding kasi ako. Isa yun sa mahirap gawin.

“Priority ko talagang alagaan si Ziggy. Mahirap para sa akin na iwan si Ziggy tapos mag-soap  kami,” pahayag ni Marian nang tinanong siya roon sa media launch ng Kultura.

Napapag-usapan kasi yung sa Descendants of the Sun ni Dingdong na sinasabin hinihintay pa raw ang magiging leading lady niya.

Eh sa totoo lang, bagay kay Marian ang role.

Ang isa sa binabalita, si Jennylyn Mercado raw pero extended ang Love You Two nya. Kaya hindi pa masabi kung siya  na nga.

Ang pinu-push ng mga fans si Marian talaga pero kung titingnan ko diyan, malabo dahil agreement nila ni Dingdong na isa lang sa kanila ang magsu-soap dahil dapat meron talagang nagbabantay sa dalawang anak nila.

Kaya ang sagot ni Marian nang tinanong tungkol sa partisipasyon niya sa DOTS; “Sa ngayon kung tatanungin nyo ako…if given a chance na tanungin na balikan, sa punto na to, I will say no kasi hindi ko talaga kaya.

“Ako yung tipong nanay na hands on ako. Ayokong pagsisihan na wala ako habang lumalaki sila.

“Si Zia nun bago ako nakabalik two and half years. Pero kay Ziggy mas mabilis kasi after giving birth, one month pa lang nag-shoot na ako eh. So ngayon, andito ako ngayon.

“So sa soap, ‘no’ ako ngayon pero malay nyo baka after two months mag-yes ako.”

Mabago kaya ang desisyon diyan ni Marian? Ewan ko lang.

Kasi nakikita ko sa kanya sobrang saya niya sa buhay niya ngayon, at eto raw talaga ang pangarap niya na buo ang pamilya, na merong inaalagaang mga anak nila.

“Sabi ko nga  kay Dingdong minsan, parang pangarap pa rin. Parang hindi pa nagsi-sink in na nakahiga ako na may kasama akong dalawang anghel sa tabi ko na sabi ko ‘wow!’” saad ni Marian.

Kay Zia at Ziggy, sobrang okay na raw siya. Pero si Dingdong daw humihirit pa ng isa, kaya okay lang kay Marian na mabuntis siya uli.

Sa ngayon ay puro endorsements muna siya gaya nitong sa Kultura.

Hindi pa niya masasabi kung kailan talaga siya babalik sa regular show niyang Tadhana at Sunday Pinasaya.

Siguro next month may balita na tayo diyan.

VICE. GOV. JOLO-ANGELICA WEDDING SA USA?

Marami na ang nagtatanong sa akin kung totoo bang sa December na raw

ang kasal nina Jolo Revilla at Angelica Alita.

Kung may alam man ako, hindi dapat manggaling sa akin.

Abangan na lang natin kung ano ang sasabihin nina Jolo at Angelica.

Sa kanila dapat manggagaling kung ano ang plano nilang dalawa.

Kung itsitsika ko na sa inyo na aalis ako sa December pa-Amerika, baka yun na nga yun no!

Eh, dapat noon pa gustung-gusto na talaga ni Jolo na mag-asawa.

Gusto niya talagang may partner siya sa pagharap sa mga constituents niya sa Cavite.

Kaya nga tingin ko nun akala ko talaga si Jodi Sta. Maria na. Pero hindi pa kasi talaga puwede, kaya sayang din at natapos na ang relasyon nila.

Pero nakikita ko namang masayang-masaya na si Jolo kay Angelica, kaya masaya na rin ang lahat para sa kanya.

Abangan na lang natin ang official statement nina Jolo at Angelica.

 

Related posts

Leave a Comment