MALAKING SUGAL ANG DANIEL-SARAH FILM

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

NATUTUWA naman daw si Daniel Padilla sa naging success ng pelikula ng kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo, lalo nga’t alam niya kung ano ang hirap na dinaanan noon habang ginagawa ang huli niyang pelikula.

Hindi kasi sanay si Kathryn nang ganoon kabibigat ang ginagawang mga eksena. Proud rin naman daw si Daniel na maganda ang acting talaga ni Kathryn, at naniniwala nga siyang dahil doon ay maaaring manalo ulit ang girlfriend niya ng iba pang awards.

Pero ang kasunod niyang proyekto ay hindi si Kathryn ang katambal. Sinasabing baka nga raw ang simulan niya ay ang matagal nang pinag-uusapang movie nila ni Sarah Geronimo.

May nagsasabing sugal iyan, dahil hindi sila magka-love team. Alam ng mga tao na ang syota niya ay si Kathryn. Alam din naman nila na ang talagang boyfriend ni Sarah ay si Matteo Guidicelli. Pero hindi naman siguro isang matinding love story ang ipagagawa sa kanila kaya ok lang iyan.

Pero mukhang mas tama nga iyang huwag muna silang pagtambalin ni Kathryn, baka kailangang magpahinga muna ang kanilang love team, Medyo sagad na ang kanilang mga fans, Dahil kahit na nga hindi si Daniel ang leading man ni Kathryn sa kanyang huling pelikula, talagang kinumbinsi ni Daniel ang mga fans na suportahan iyon. Kung iisipin, sunud-sunod na ang gastos ng Kathniel sa mga pelikula.

Siguro naman kung silang dalawa ang magkatambal, tiyak na gagastos pa rin ang kanilang mga fans, pero kailangan din namang pagpahingahin sila kung minsan, para mas maka-buwelo sila sa susunod na Kathniel movie.

Ang talagang panalo riyan, napatunayan ng kanilang mga fans na sila nga ay maaaring gumawa ng box office history na hindi pa nagawa ng ibang mga fans kahit na noong araw.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment