MAJA SIMPLE, INTIMATE WEDDING ANG GUSTO

boy abunda(NI BOY ABUNDA )

UMAASA si Maja Salvador na ang kasintahang si Rambo Nuñez na ang kanyang mapapangasawa at makakasama sa habambuhay. “I’m praying, sana, yes, I want. Kaya pinagdadasal ko. Yes, I hope. So Rambo, behave,” nakangiting bungad ni Maja.

Para sa aktres ay nakita niya kay Rambo ang lahat ng mga katangiang kanyang hinahanap sa isang lalaki. “When I’m with him, nando’n ‘yung nare-relax ako. After ng work, nando’n ‘yung mabe-burn out ka eh. So I’m very lucky na talagang minsan nag-iisip siya anong trips pwedeng puntahan to relax. Siya ‘yung nagpa-plan ng lahat. With Rambo, may other world. Nilalagay niya ako sa ibang world na nagagawa ko nang magaan lahat,” makahulugang pagbabahagi ng dalaga.

Ayon kay Maja ay malaki ang kinalaman ni Rambo kung bakit hindi nagtagal ang mga dating relasyon ng aktres. “Kasi nine years ago naging kami but I’m too young. So kailangan kong mag-work muna. Nine years ago nando’n ‘yung gusto mo sa isang relationship, sa isang guy. Baka kaya hindi nagwu-work ‘yung mga past ko? Kasi may mga hinahanap ako na hindi ko ma-pinpoint kung ano. No’ng bumalik siya, no’ng tinanggal ko ‘yung rule na walang balikan ng ex (boyfriend), sabi ko, ‘Parang baka ito ‘yung gusto ko talagang relationship.’ Basta kung ano ‘yung meron kami,” paliwanag ng aktres.

Sa ngayon ay nagpag-uusapan na rin ng magkasintahan ang tungkol sa pagpapakasal. Naiisip na raw ni Maja kung anong klase ang magaganap nilang pag-iisang dibdib ng binata. “Oo napag-uusapan but too early pa nga lang to say. Kasi ilang months pa lang kami. Gusto ko simple lang, hindi ‘yung artista way, very intimate lang,” pagtatapat niya. -Reports from JCC-    

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment