MAINE PANAY GUESTING HABANG NASA NEW YORK SI ALDEN

aldub23

(NI GORGY RULA)

OBVIOUS na nagkakanya-kanya na nga talaga sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Habang nasa New York si Alden para sa GMA Pinoy TV nung nakaraang linggo, panay naman ang guesting ni Maine at mataas ang rating ng guestings  niya ha?

Guest co-host si Maine sa Sunday Pinasaya nung nakaraang Linggo dahil absent nga roon si Alden. Mataas ang rating nito na nakakuha ng 5.3 percent ayon sa AGB NUTAM, at 4.8 percent ang katapat na ASAP.

Kinagabihan naman sa The Boobay and Tekla Show ay wagi rin ang guesting doon ng phenomenal star ng Eat Bulaga. Nag-enjoy sa mala-Dante Gulapa na sayaw niya kaya humataw ang rating na 7.7 percent at muling tinalo ang katapat na Gandang Gabi Vice na may 6.6 percent.

Ang nakakalungkot lang, hindi pa rin makagulapay ang Daddy’s Gurl nila ni Vic Sotto sa Idol Philippines.

Nung nakaraang Sabado ay 9.9 percent lang ang nakuha at 13.1 percent ang katapat na Idol Philippines.

Kaya dapat talagang magkaroon sila ng reformat at maghanap ng i-partner kay Maine para abangan ito at pag-usapan.

Puwede pa talaga silang magpakilig depende kung sino ang mapiling ka-partner ni Maine

Marami pa rin ang nagsasabing swak na swak si Jake Ejercito, pero depende yan ngayon kung ano ang plano ng binata ni Mayor Erap pagkatapos nilang mabigo sa nakaraang eleksyon.

Samantala, nung nakaraang Sabado naman nagsimula ang bagong reformat at recast na Home Sweetie Home. Mataas ang rating nito na 10 percent laban sa Pepito Manaloto na 9.4 percent ang nakuha,

Ngayon lang nakatikim ng talo ang Pepito na consistent itong toprater.

Ewan ko lang kung kaya ma-maintain nila dahil mas nakakatawa naman talaga ang Pepito Manaloto ni Michael V.

Abangan natin yan!

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment