LOVI POE BALIK-PINAS NA AFTER NG ACTING CLASS ABROAD

loviepoe12

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

PAGKATAPOS  na mag-take ng acting classes sa America, balik Pilipinas na muli si Lovi Poe.

Isa si Lovi sa mahusay na aktres na natin ngayon, pero humingi pa rin ng time-off mula sa network at nag-pursue pa ng acting class. Supportive naman ang GMA sa mga ganitong desire ng mga artists nila na gusto pang i-enhance ang talento na meron sila.

Tulad ni Lovi, si Rhian Ramos ay nag-aaral din ng impromptu comedy sa New York habang si Glaiza de Castro naman ay paalis naman para mag-aral din.

Ang Mega Equality Ball ang unang ganap ni Lovi sa pag-uwi niya at usual, naging kapansin-pansin si Lovi sa kanyang very stylist ruffles and sequins dress.

Ang tagal din niyang nawala na kung hindi kami nagkakamali, January pa yata. So ngayong balik Pinas na nga siya, siguradong may inihahanda na rin ang GMA na bago niyang teleserye.

Sabi ni Lovi, gusto raw niyang may maipakitang bago sa mga manonood. Feeling niya, umiyak na siya ng balde-balde sa mga roles. Nagpaka-daring na rin siya, pero more than that, gusto raw niyang may maipakita pa.

Gusto rin subukan ni Lovi ang magsulat ng script at mailabas ang artistic side naman niya sa pagsusulat.

Binigyan ng pa-welcome ng pamilya niya si Lovi na pinost nito sa Instagram. Sabi nga niya, “This is actually me just coming home on a normal day after work. My family just really loves me.”

Kahit ilang buwan lang din na nawala, hindi itinanggi ni Lovi na namiss niya ang lutong bahay at lutong Pinoy kaya ipinost din niya ang mga niluto ng mommy niya, ang dating aktres na si Rowena Moran at may hashstag itong sinigang is life.

IWAS-PUYAT SI JOSE

Dinadaan sa biro ni Jose Manalo ang pagigiong council/judge niya ngayon sa sa StarStruck dahil pareho raw sosyal at inglisera ang mga kasama niya na sina Cherie Gil at Heart Evangelista.

Pero sabi naman ni Jose, ayos at maganda naman daw ang batuhan nilang tatlo.

“Maganda naman yung rapport namin, nakikita ko.May kanya-kanya kaming ginagawa.”

Although, madalas daw na magkasundo sina Cherie. at Heart sa desisyon ng mga ito, siya naman ang kontrapelo

“Madalas, madalas, lalo na kapag nag-uusap sila. Huy, kinuha rin ako rito, kayo lang ang nag-uusap. Kasi, alam naman nilang hindi ko naiintindihan,” natawa niyang sabi.

Kung tutuusin, pang-balanse nga si Jose sa dalawang sosyal. Siya naman yung masa talaga. Kaya kapag medyo sumososyal na raw ang dalawa, mapapalingon sa kanya at saka maaalalang may jologs pala silang kasama.

“Ha ha ha! Pero hindi, hindi naman, mababait yung dalawa.”

May kanya-kanya raw silang forte.

Sey pa niya, “Si Heart nga, puwedeng magtayo ng sariling portion dito sa StarStruck. Taga-bigay ng payo. Gusto niya, kapag nagbigay siya ng comment o advice, talagang advice sa buhay.

“Si Cherie naman, gusto niya, dire-diretso siya. Ako naman yung medyo kumakalma, pero kailangan may laman din ang sasabihin ko, hindi puro patawa lang.”

Bilang isa sa mga council, ang pinaka-mahirap daw sa kanya kapag nagkuwento na ng mga buhay-buhay nila na suprtado pa ng mga video. Dun daw talaga lumalambot ang puso niya.

Sa history ng StarStruck, parang siya ang sumusunod sa yapak ni Joey de Leon na naging StarStruck council din.

Iwas puyat na rin naman pala si Jose dahil matagal-tagal na rin daw siyang hindi nagsu-show kada-gabi sa mga comedy bar. Kaya naman okay siya na may bagong show tulad ng StarStruck at everyday naman siya sa Eat Bulaga.

Ngayong Sabado at Linggo na ang pilot ng StarStruck 7 sa GMA-7.

 

 

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment