#LoveThrowback3 sa PICC

LOVE THROWBACK3

MAGSASAMA-SAMA sina Ella May Saison, Luke Mejares, Nina, Juris, at Ito Rapadas ng Neocolours sa

kaunaunahang pagkakataon sa ikatlo at pinaka-pabolosong installment ng pinaguus-pan at inaabangan na taunang

#LoveThrowback Valentine concert franchise na mangyayari sa Pebrero 15 (Sabado, 8:30 p.m.) sa PICC Plenary Hall.

Sa direksyon at konsepto ni Calvin Neria, ang inihahain ng kamanghamanghang mu-sical spectacle na ito ang pinaka-romantikong Pinoy love songs na nagbigay kahulugan sa mga love stories ng ilang henerasyon ng di mabilang na mga Pilipino. Dadalhin ng #LoveThrowback3 ang mga manonood sa isang roller coaster musical journey na magpapaalala sa kanila ng sakit, ligay, kabiguan, pagkawagi, pait, at tamis ng pagibig.

Kasama si Marc Lopez bilang musical director, ang mga loyal fans at music aficiona-dos ay maaaring maghanda sa isang di malilimutang gabi ng musika habang aawitin ng live ng stellar cast ng show ang kanilang greatest hits gaya na lamang ng soulful classics ni Ella May na “Till My Heartache Ends” at “If The Feel-ing Is Gone;” ang di mapapantayang bersyon ni Luke Mejares ng “Kahit Kailan” and “Love Of My Life;” ang stirring na rendisyon ni Nina ng “Someday” at “Jelaous;” ang heart wrenching hits ni Juris na “Di Lang Ikaw” at “A Love To Last A Lifetime;” at ang anthemic masterpieces ni Ito Rapadas na “Tuloy Pa Rin” at “Maybe,” at marami pang iconic na love songs na lahat ay bahagi ng soundtrack ng love life ng bawat Pinoy.

Bahagi ng proceeds ng concert ay i-dodonate sa GASFI (Gig and the Amazing Sam-paguita Foundation, Inc.) – isang non-stock at non-profit na organisasyon na pino-promote ang "Twenty Minutes at Bedtime, Read With Your Child" sa pagpapalakas ng family ties upang mapagibayo ang magmamahal ng isang bata sa pagaaral.

Nagsimula ang GASFI began bilang isang book donor program na naghihikayat sa bedtime reading. Mahalaga ang papel ng organisasyon at ang mga volunteers nito kung bakit may mga libro para sa mga kabataan sa mga komunidad na walang access sa mga libro. Maliban dito, importante din para sa GASFI ang edukasyon at makikita ito sa scholarship program nito kung saan may 9 na iskolar sa kolehiyo.

Para sa karagdagang impormasyon at mga kapanapanabik na updates ukol sa #LoveThrowback3, i-like ang LoveThrowback3 sa Facebook. Para sa tikets, kontakin ang TicketWorld sa 891-9999 o bisitahin ang

www.ticketworld.com.ph.

Related posts

Leave a Comment