LOOK-ALIKE LANG BA NI JACKIE RICE ANG P2 MILLION/NIGHT

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

NATATAWA si Jackie Rice doon sa kumalat sa internet na pictures niya kung saan iniuugnay siya sa prostitusyon. Sinasabi pang para maka-date mo si Jackie, P2 milyon ang ibabayad mo dahil iyon ang presyo sa kanya ng kanyang handler. Tinawanan lang iyon ni Jackie dahil sino ba naman ang maniniwala sa ganoon?

Pero iyan ay hindi na bagong raket. Natatandaan namin, may ilang panahon na rin naman ang nakararaan na si “Alma Moreno” ay sinasabing “maaari ring maka-date sa Cebu”. Ang nakakatawa, wala naman ang tunay na Alma Moreno sa Cebu at nasa Maynila, mag-asawa sila noon ni Mang Dolphy.

Iyon pala ang raket nila ay “look alike”. Ipinakikita sa mga interesado ang pictures ng tunay na artista, at ang mga ad layout ng kanilang pelikula, para paniwalain na ang ihahatid nila para maka-date ng kliyente nila ay artista nga, at kumikita sila nang malaki.

Hindi lang iyan, kasama pa namin noon ang reporter na si Eddie Littlefield, nang tuklasin naman namin at imbestigahan para sa isang tabloid ang sinasabing look alike, nina Aga Muhlach, Gabby Concepcion at Richard Gomez. Dalawa ang look alike ni Aga, isang taga-Novaliches at isang taga-Malabon. Dalawa rin ang kamukha ni Gabby, iyong isa nga puntong Bisaya pa kung magsalita. Isa lang ang look alike ni Mayor Goma, pero malabo dahil 5’7” lang ang height.

Palagay namin ganyan rin ang ginagawa kay Jackie Rice, may nakuha silang look alike ng actress at iyon ang ipinapasa nila sa mga naloloko nilang kliyente na karamihan ay mga foreigners.

Mayroon pa ngang mas malaking raket na milyon din ang deal. Niloloko nila ang mayayamang bading na pinaniniwalang ang makakasama nila ay mga kilalang Korean actors na napapanood sa mga Korea novela na inilalabas sa telebisyon. Mayroong kamukha si Rain. Mayroon ding look alike si Lee Min Ho. May look alike din si Song Joong ki. Mayayamang Pilipinong bading naman ang target nilang kliyente, pero ang ipinakikilala nila sa mga Chinese male prostitutes talaga.

Kaya kung maniwala kayo na kaya nilang ibugaw ang mga artista, mag-isip muna kayo. Pero sa totoo lang, may isang Malate pimp na contact naman ng mga totoong artistang pa-booking,pero iyan iyong mga maliliit na artista lang na lumabas sa indie, o hindi pa mga sikat.

MAGKANO ANG IBINAYAD NI  DENTISTA SA MAGDAMAGANG PROPHYLAXIS SA ACTOR?

Tito KC, ito ang isang blind item na hindi ko mapapalampas. Kahit na sabihin mong may anak na ang actor, hindi naman maikakailang good looking siya talaga at pinagnanasaan pa rin. Isang gabi, nag-check in siya sa isang hotel sa Tagaytay para sa isang one day staycation. Matapos na mag-check in, ang hinihintay naman ng mga tauhan ng hotel na dumating kasunod niya ay ang kanyang asawa at anak.

Pero ang dumating, isang babaing may edad na, na kilalang dentist, at nagsabing expected siya ng actor. Pinapasok naman siya matapos na kumpirmahin ng actor na hinihintay nga niya ang “kanyang dentista”. Alas nuebe na raw nang umaga nang lumabas ang “dentista” sa kuwarto ng actor, batay sa record ng security ng hotel. Mukhang napakaraming mineral deposits sa mga ngipin ng actor kaya inabot nang magdamag ang kanyang dentista sa ginawang “prophylaxis” sa kanyang mga ngipin.

Dentista iyon eh, siyempre ngipin lang ang titingnan. Alangan namang “executive check up” ang ipinagawa sa kanya ng actor eh dentista lang siya. Ang nagtatawang tanungan nila “magkano raw kaya ang ibinayad ng dentista sa actor” para sa overnight na prophylaxis?

 

Related posts

Leave a Comment