LOISA, BALAK PANG MAGDAGDAG NG NEGOSYO

LOISA ANDALIO-2

boy abundaNakalipat na ang buong pamilya ni Loisa Andalio sa bagong bahay na naipundar ng aktres. Masayang-masaya ang dalaga dahil sa murang edad ay mayroon na siyang mga naipundar mula sa kanyang mga trabahong pinaghirapan.

“Di ko sinasabing bahay ko. Bahay nila, para sa kanila. Dati kami nakikitira lang talaga kami sa tita ko. Eh ngayon wala na kami doon, lumipat na kami. Una sa salon, nagkaroon ako ng salon. Mayroon do’n na kwarto na isa. So do’n sila umuuwi, doon lang sila umuuwi sa salon. Tapos naisip ko, parang hindi naman pwede na dito lang kami sa salon. So do’n na nagpagawa na ako ng bahay para sa kanila,” kwento ni Loisa.

Hindi naging madali para sa aktres na makapagpundar lalo pa’t siya ang tumatayong breadwinner sa kanilang pamilya. “May time na nasisimutan talaga ako ng pera. As in nasisimot talaga. As in hindi ako makahingi ng pera kay mama kasi alam kong walang pera. Kahit ngayong artista na ako as in no’ng last year. Hindi ako nakakahingi ng pera kay mama kasi alam kong wala talaga,” pagbabahagi ng dalaga.

Bukod  sa sariling salon ay nagbabalak umanong magbukas ng iba pang negosyo na pwedeng pagkakitaan si Loisa para sa kinabukasan ng aktres. “Kasi sa trabaho ko hindi naman ako sure kung hanggang kailan ako may trabaho eh. Kumbaga hindi ko pa din masasabi kung kailan ako may trabaho eh. So gusto ko mayroon pa din kaming siguradong pagkukuhaan,” paliwanag niya.

-Reports from JCC-

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment