LIZA: ‘BAWAL PA AKO MAG-BF NOON KAYA LANG MATIGAS ‘YUNG ULO KO!’

LIZA

Mahigit limang taon nang magkasintahan ngayon sina Liza Soberano at Enrique Gil. Labingpitong taong gulang pa lamang noon ang aktres nang maging nobya ng binata. Matatandaang tutol pa noong una ang pamilya ni Liza sa pagkakaroon ng karelasyon dahil wala pa sa tamang edad ang dalaga. “Ipinaglaban ko siya, I think the craziest thing I wouldn’t have expected myself to do is, siyempre seventeen lang ako noong naging kami. So ipinaglaban ko ‘yung relationship namin. Kasi bawal pa ako magka-boyfriend noon kaya lang matigas ‘yung ulo ko,” natatawang pahayag ni Liza.

Nakumbinsi ng aktres ang ama na magkaroon ng kasintahan sa murang edad dahil pinaliwanagan daw niya ito. Naniniwala si Liza na si Enrique na ang kanyang mapapangasawa at makakasama habambuhay. “Sabi ko sa daddy ko, ‘Masaya ako, kung gusto mo ako maging masaya, papayagan mo ako. Yes, I believe so (na si Enrique ang mapapangasawa), 100% in my heart,” giit niya.

Ngayon ay napag-uusapan na rin umano nina Liza at Enrique ang tungkol sa pagpapakasal. Ayon sa dalaga ay hindi siya magdadalawang isip kung sakali mang mag-propose na ng kasal ang aktor. “Siyempre you can never say that you’re fully ready or prepared for that big question. Pero no doubt, I will say yes,” nakangiting pagtatapos ng aktres.

Samantala, mamayang gabi ay magsisimula na sa Kapamilya network ang pinakabagong teleserye na pinagbibidahan nina Liza at Enrique na Make It With You. Kinunan pa sa bansang Croatia ang maraming eksena para sa naturang serye.  (Ni Boy Abunda with James C. Cantos)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment