KUNG BUMALIK SI JOHN LLOYD; TONI ‘DI ALAM ANG MANGYAYARI

toni1

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

 

VERY thankful si Toni Gonzaga na kahit nagpalit-palit na ng lead actor ang Home Sweetie Home, nananatili pa ring matatag ang sitcom at ngayon nga ay nasa ikalimang taon na’t bagong chapter na naman ang binuksan.

“Very thankful, very blessed, part na siya ng sistema ko na every Tuesday, may taping ako ng Home Sweetie Home,” sey ni Toni sa presscon ng sitcom na ngayon ay Home Sweetie Home Extra Sweet na.

Ayon pa sa aktres/TV host, hindi raw niya inakalang tatagal pa nang ganito ang programa dahil nga naharap sila sa malaking challenge sa pag-alis ng leading man niya na si John Lloyd Cruz.

“Alam mo ‘yung feeling na there was a time, for a year, we were taping one episode at a time, we’re taping it one taping per week, kasi parang inisip namin, baka ito na ‘yung last taping.

“Hanggang sa hindi naman tayo binitawan ng mga Kapamilya natin, ‘yung suporta nila sa programa, nagtuloy-tuloy pa rin kami hanggang sa nagkaroon na ng bagong mukha.

“Very grateful dahil may sitcom ang ABS-CBN na tinatangkilik ng mga Kapamilya natin,” she said.

Siyempre, dahil nga nang umalis si Lloydie ay indefinite leave of absence lang naman ang idineklara ng aktor, marami pa rin ang umaasa na one day ay babalik pa rin ito sa iniwang show.

At this point ay welcome pa ba si Lloydie na bumalik sa show?

“Actually, ang tagal nang na-discuss niyan. Magtu-two years na, since he left our program and I’m not sure sa magiging desisyon ng of course, ng management, ng pamilya ng buong Home Sweetie Home, but siyempre, si Julie, ‘yung karakter ko, maghihintay lang siya kung anon’g pwedeng mangyari.

“But I don’t think na I can decide or I have anything to. . .ewan ko, hindi ko rin alam,” sey ni Toni na natawa, “hindi ko kasi alam kasi hindi naman natin alam kung ano ang pwedeng mangyari bukas. We just take it one day at a time kung anon’g pwedeng mangyari.”

Nang umalis si Lloydie ay si Piolo Pascual ang kinuha ng show na bagong lead actor. Pero ngayon ay umalis na rin si Papa P dahil mag-aaral ito sa Italy. Enter naman si Vhong Navarro at nagdagdag pa ng ibang cast tulad nina Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, Luis Manzano at ang “PBB Otso” housemates na sina Fumiya Sankai at Yamyam Gucong. Join na rin sa cast si Edgar Mortiz who also directs the show.

Sa ngayon ay hindi pa rin daw alam ni Toni kung magkakaroon sila ng romansa ni Vhong sa kwento dahil wala pa naman daw sinasabi sa kanila pero open naman daw sila sa possibility at okay naman sa kanila if ever.

 

Tatalbog sa apat na sikat noong 60’s-to 70’s

DREAMSCAPE LAUNCHES THE GOLD SQUAD: FRANCINE, ANDREA, SETH AT KYLE

Inilunsad ng Dreamscape Entertainment sina Francine Diaz, Andrea Brillantes, Seth Fedelin at Kyle Echarri bilang The Gold Squad para sa seryeng Kadenang Ginto.

Sila ang apat na teenagers na masayahin, responsable, masipag at mapagmahal sa pamilya na iba’t iba ang pinagmulan, kinalakihan at pinagdaanan sa buhay.

Maglulunsad ang “The Gold Squad” ng sari-saring proyekto na magdadala ng saya at makaka-relate sa kanilang batang fans, kabilang na ang sarili nilang album sa ilalim ng Star Music.

Sobrang happy ng apat especially Francine and Andrea sa napakalakas na pagsuportang ibinibigay ng manonood sa serye lalo na nga sa parang aso’t pusa nilang relasyon bilang Cassie and Marga respectively.

In fact, parang nakikita ng press kina Francine at Andrea sina Kathryn Bernardo and Julia Montes noong nagsisimula pa lang ang mga ito sa Mara Clara.

Bukod sa The Gold Squad, marami pang pasabog at bangayang hatid ang serye dahil matagal pa ang itatagal nito sa ere. Ayon kay Deo T. Endrinal na head ng Dreamscape Entertainment, aabutin pa raw ang Kadenang Ginto ng isang taon at mapapanood pa hanggang next year.

Ang Kadenang Ginto ay pinagbibidahan din nina Beauty Gonzalez, Dimples Romana at Albert Martinez na napapanood sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN tuwing hapon.

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment