KORINA, MAR BALIK-PINAS NA KASAMA ANG KAMBAL

korina mar12

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

NAKAUWI na sa bansa ang mag-asawang Korina Sanchez at Mar Roxas kasama ang kanilang kambal na anak na sina Pepe at Pilar. Nanggaling sa Amerika ang pamilya kaya hindi naging biro ang magbiyahe ng halos 25 oras kasama ang dalawang sanggol.

“Major production, talagang double stroller, bassinets in the plane. You have to declare the milk. Tapos kailangan ng car seat, pero nakaraos naman kasi mababait,” nakangiting pahayag ni Korina.

“Dati-rati kung magbiyahe kami, siyempre may hand carry ka ng kung anu-anong mga gadgets na nabili mo. Ngayon, lampin, diaper, bote ng gatas,” dagdag naman ni Mar.

Ayon kay Korina ay hindi lamang palayaw ang ‘Pepe’ at ‘Pilar’ na tawag nila sa kanilang kambal. “It’s part of their four, five names before the surname,” pagbabahagi ng broadcast journalist.

Nakararanas ng pamba-bash sa social media ang mag-asawa sa pagkakaroon pa ng anak pero hindi na lamang nila ito pinapansin. Sa halip ay malaki ang pasasalamat nina Korina at Mar sa mga kapamilya at kaibigan na patuloy na nagmamahal sa kanilang buong pamilya. “We’re very thankful for everybody who’s genuinely happy for us. Hindi naman namin inakala na mangyayari pa sa amin ni Mar ito, di ba? ‘Yan ang magpapahaba ng buhay naming dalawa,” paglalahad ni Korina.

“Retired na kami, senior citizens na kami, bagong lolo, bagong lola,” pagtatapos naman ni Mar.  -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment