KIM DOMINGO BIBINYAGAN SI DEREK?

kim domingo

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

NAKAKALOKA  ang tsika sa akin ng mga bakla!

Tinatalbugan ko na raw si Kris Aquino dahil ako na ang umeksena kay Nicko Falcis.

Hindi na raw sina Kris at Nicko ang pinag-uusapan kundi, kami na raw ni Nicko dahil sa demandang isasampa raw sa akin ng Falcis brothers.

Ang bongga di ba?

DI naman kasi ako nagbabasa online, kaya hindi ko alam ang dami na pala nilang sinasabi.

Lumabas daw sa PEP ang buong detalye kung saan ako nagbabalita tungkol kay Nicko.

Pati ang mga post ko sa Instagram account, binilang din nila yun.

Wala akong kamalay-malay, sinusubaybayan pala ng Falcis brothers ang career ko!

Yang mga ganyang hanash na yan, bahala na siguro abugado ko diyan, at dapat bigyan ako ni Kris ng lawyer no!

Naloka na naman nga sila nang ipinost ko ang ipinadalang regalo sa akin ni Kris no!

Siyempre good mood ngayon si Kris mag-give ng regalo, lalo na gift certificates ng S&R, kaya ini-enjoy ko na lang!

Sabi nga sa akin ng assistant niyang si Alvin Gagui, siya na raw mag-remind kay Kris na padalhan ako every month.

Sabi ko naman, depende yan sa mood ni Tetay di ba? Kung nasa good mood siyang mamudmod ng regalo, eh di bongga! Pero kung di niya type at muret muret na naman siya, kahit anong remind mo diyan, waley kang mapapala. Kaya okay lang meron, okay din kung wala!

oOo

Isa pala sa mga pinutakti ng mga reporters sa nakaraang mediacon ng

bagong afternoon drama ng GMA 7 ay ang SVP for Entertainment na si Lilybeth Rasonable na kabi-birthday lang.

Kasi hinihintay na lang kung kailan na talaga ang contract-signing ni Derek Ramsay sa GMA 7.

Ang sabi raw tong buwang ito ng Pebrero, pero ayaw pa munang mag-comment ni Mama Lilybeth.

Sabi lang niya, “Wala pa akong masasabi, Marami tayo pag-usapan pag nakapirma na.”

Hindi  naman niya itinatangging may pag-uusap dahil matagal na ito napabalita at sinasabi naman ni Derek sa nakaraang interviews, pero yung ibang detalye wala pa raw muna.

May tsika pang ang unang drama series daw na gagawin ni Derek sa GMA 7 ay makakasama raw si Kim Domingo.

In fairness, bagay silang dalawa dahil parehong seksi-seksihan. Pero wala pa raw sinasabi sa kanila, sabi naman ng kampo ni Derek.

Pero puwede di ba? Dapat naman siguro i-launch na si Kim bilang bagong star ng Kapuso network,

Medyo bawas-bawas muna ang pagdidikit ng boyfriend niyang basketbolista na type na rin daw mag-artista.

Pero matigas kasi ang ulo ni Kim, wala siyang pakialam kung nakikita siyang kasama ang boyfriend kahit ilang beses na itong pinagsasabihan.

Abangan na lang siguro natin ang announcement ng GMA 7 kung kailan na talaga magiging Kapuso si Derek, at kung  si Kim na nga ba ang makaka-partner niya.

oOo

Ang bongga rin naman ni Maine ha?

Naikuwento na rin sa aking nag-sponsor daw ito ng isang block screening

ng pelikulang ‘Tol na pinagbidahan nina Arjo Atayde, Joross Gamboa at Ketchup Eusebio.

Nung Sabado, February 2 daw ang block screening kasama ang pamilya at mga close friends na ginanap sa SM Aura.

Ayaw lang daw ni Arjo na ipabalita o ipa-cover sa media, dahil gusto nila tahimik lang.

Siyempre, maba-bash na naman sila pag may lumabas na magkasama na naman silang dalawa.
Pero iba rin kasi si Maine eh, Wala rin siyang pakialam kung ano ang gusto niyang gawin.

Kaya type na type ko rin si Maine eh!

Related posts

Leave a Comment