KATHRYN WILLING GUMAWA NG SEQUEL WITH ALDEN

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

PALABAS pa rin sa ilang mga sinehan ang pelikulang ‘Hello, Love, Goodbye’ na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Tinatayang mahigit 840 milyon na ang kinita ng nasabing proyekto dahil naipalabas na rin ito sa iba’t ibang bansa. Halos hindi naman makapaniwala si Kathryn na talagang sinuportahan ng mga tagahanga ang kanilang kauna-unahang pagtatambal ni Alden. “Sabi ko nga nangyayari ba ‘to? Ang ganda-ganda nang lahat ng nangyayari. Ewan ko, siguro lahat ng nararamdaman ko pasasalamat and I’m super duper happy. Parang hindi ko alam na pwede mangyari ‘to. Kasi wala naman akong ini-expect talaga simula pa lang and sobra-sobra ‘yung ibinigay ni God na blessing,” nakangiting pahayag ni Kathryn.

Iniaalay ng aktres ang tagumpay ng pelikula sa lahat ng mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanya. “Pati ako hindi makapaniwala katulad nang nangyayaring reactions ng lahat, gano’n din ako. Siguro sobrang grateful lang ako sa lahat ng nangyayari and lahat ‘to sini-share ko lahat ng success na ‘to sa lahat ng fans. Lahat din ng fans ni Alden and of course kay DJ (Daniel Padilla) and direk Cathy (Garcia-Molina). Lahat ‘to success namin,” pagbabahagi ng dalaga.

Kung sakaling magkakaroon ng sequel ang nasabing blockbuster film ay buong-pusong tatanggapin ni Kathryn ang proyekto. “Yes, of course. I’m very open to that. Let’s see siguro basta pagbalik siguro ni direk Cathy from her short break or tingnan natin kung payagan siya,” giit ng aktres.

Malaki rin ang pasasalamat ng dalaga sa kasintahang si Daniel Padilla dahil todo-suporta ang aktor sa proyekto kahit hindi sila ang magkatambal dito. “Ever since naman sobrang supportive ni DJ sa akin,” pagtatapos niya. -Reports from JCC-  

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment