KATHRYN NAG-SPEECH LESSONS FOR HER HOSTING JOB

kathryn12

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

PROUD na proud si Daniel Padilla sa “walang buckle” na pagho-host ng girlfriend na si Kathryn Bernardo sa recently-concluded 35th PMPC (Philippine Movie Press Club) Star Awards for Movies.

“Husay, kita n’yo, walang buckle, di ba?” sabi ni Daniel nang makausap ng press after the awards night.

Proud din niyang ikinuwento na before the event ay nag-speech lessons pa si Kathryn.

“Dahil, gusto niya, wala siyang mali o mamaling bigkas. Talagang sabi ko nga sa inyo, ‘yang si Kathryn, eh tinatrabaho niya talaga at mahusay talaga,” pagmamalaki pa ni DJ.

Bukod sa host ng event ay nanalo rin si Kathryn na Best Actress for the movie, The Hows of Us at ang Kathniel loveteam naman ang itinanghal na Best Loveteam of the Year.

Nang matanong naman ang naganap na pagsasama nila ni James Reid sa isang endorsement, puring-puri niya ang aktor.

“Steady lang, simple, you know. Mabait na tao, tahimik lang din, ako nga lang ang magulo du’n sa shoot na ‘yun, tahimik lang talaga si James,” natatawang sabi ni DJ.

Willing din ba siyang magkasama sila sa isang pelikula?

“Why not? It depends on the story, always. Ayoko namang maging sell-out lang ‘yung pelikula dahil magkasama lang kami,” sey pa niya.

Samantala, sa relasyon nila ni Kathryn na nasa ika-7 taon na ngayon, natanong si DJ kung hindi ba siya natatakot sa tinatawag na 7-year-itch.

“Every year is a challenge, lagi namang challenge ang bawat taon, pero sa tamang balanse at tamang pagmamahal, it will work. It will work out in the end,” he said.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment