KATHRYN-ALDEN FILM MA-OUTGROSS KAYA ANG HOWS OF US?

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

ANG kuwento sa amin, this early, napakarami na raw gustong magpa-schedule ng blocked screening sa isang theater chain para sa pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Iyong blocked screening ay sa unang araw pa lamang ng playdate. Ibig sabihin, sabi nga ng mga theater bookers, gusto nila ng insurance na magiging malaki ang kita ng pelikula sa mga unang araw pa lamang noon, may manood man o wala.

Kasi kung ang gusto lang nila ay masigurong makakaupo sila sa panonood ng sine, aba eh sigurado naman iyon dahil kung malakas ang pelikula, ang sinehan na mismo ang gagawa ng paraan. Babawasan nila ang screening ng ibang pelikula, para madagdagan ng screening ang mga hits.

Kung may blocked screening ka sa simula pa lamang, ibig sabihin gusto mong matiyak na lalabas na may malaking kita ang pelikula sa mga unang araw pa lamang. Pero iyang blocked screening ay hindi katiyakan na magiging big hit ang pelikula.

“Hindi naman kasi nila makakayang mai-sustain na tuluy-tuloy ang blocked screening nila. Napakalaking gastos noon. Kahit mayaman ka pa hindi mo gagawin iyon,” sabi nga ng aming source. Kasi binabayaran mo na ang lahat ng tickets sa buong sinehan. Dahil sa dami, karaniwan ibinebenta pa iyan nang mas mababa nang kaunti kaysa sa admission prices. Ang totoo, nakakaapekto iyan sa kita ng mga kasunod na screenings, “kasi iyong mga tao basta nakakita ng blocked screening, doon sila bibili ng tickets dahil karaniwang mas mura kaysa sa regular price. Nababawasan ang kita ng kasunod na screening”.

Mayroon namang blocked screening na may sponsor na mga kumpanya. Ipinamimigay na lang nila ang tickets noon, may manood lang. Kaya minsan blocked screening pero wala pa ring tao.

Maraming blocked screening ang kanilang pelikula, pero kaya ba nilang pantayan man lang ang record sa takilya ng Kathniel? Ano ang palagay mo Tito KC?

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment