KATATAGAN NI CHYNNA SA GITNA NG DALAMHATI

chynna12

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

NAPAPAHANGA kami sa ipinakikitang katatagan ng Kapuso actress na si Chynna Ortaleza sa gitna ng pagdadalamhati ng kanilang pamilya.

Pumanaw na ang ama ni Chynna na si Gryk Ortaleza noong mismong election day. Malapit sa amin ang pamilya nila kaya alam namin kung gaano ka-close si Chynna sa mga magulang.

Siguradong hindi madali para sa kanila ang pagpanaw ng ama na sa mga hindi nakakaalam, former record producer at nakagawa rin ng ilang mga kilalang O.P.M. songs. Naging producer rin ito ng pelikula at dahil sa kanyang creative at mga ideas ay napakaraming natulungan mapa-individual o kompanya man.

Sa post nga ng Mister ni Chynna na si Kean Cipriano, very proud ito na ipinagmayabang na father-in-law niya si Gryk Ortaleza na sumulat ngf mga kantang “Umagang Kay Ganda,” “Mamang Sorbetero,” “Hallmark Memories” atbp. Ayon dito, napakaraming naiambag sa mundo ng advertising, pelikula at musika.

Sey pa ni Kean, “Napakalaki ng naiambag niya sa kung sino at anong klaseng tao ako ngayon.”

Sa post naman ni Chynna, instead na ipakita ang nararamdamang lungkot, ang greatness ng ama ang ibinahagi niya at nagpasalamat sa pagmamahal at sa mga nagawa nito para sa pamilya nila.

Bumilib pa kami dahil alam ni Chynna na ang Papa niya ay isa sa mga sumusulong sa good governance. Kahit na namayapa ang ama, nag-post si Chynna ng finger niya na katibayan na bumoto siya.

Aniya, “Hey Papa! I hope you are proud of Kuya and I. We still managed to vote for the future. How’s the landscape of Philippine politics from your perspective now? Still thankful that dents have been made somehow.”

Sayang lang at hindi na naabutan ng Papa niya ang ikalawang apo kay Chynna na lalaki naman this time.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment