KARLA ESTRADA: BAGONG MOMSHIE NG KOMEDYA

karlablonde

red(NI ISAH V. RED)

SINO pa nga ba kundi si Karla Estrada na pinangungunahan ang ”Familia Blondina,” isang nakakatawang palabas naghahatid ng magagandang aral sa buhay

Sa ilalim ng direksyon ni Jerry Lopez Sineneng, ang pelikula ay umiikot sa kwento ni Cindy (Estrada), isang babaeng iniwan ang kanyang pamilya para tumungong United States of America para pakasalan ang isang Amerikanong sundalo.

Nagkaroon sila ng tatlong anak. Lahat sila ay blonde o kung tawagin sa atin ay kulay ginto.

Nang pumanaw ang asawang Amerikano ni Cindy, nalaman nyang baon pala ito sa utang. Kaya naisipan nyang umuwi na lang sa Pilipinas at dito na lang nya itaguyod ang tatlong anak. Bagamat sunud-sunod ang kamalasan sa buhay ni Cindy, lalu na sa paghahanap ng trabaho, nakilala niya si Tony Boy (Jobert Austria), isang byudo at may dalawa ring anak na blonde. Eventually, sila’y magiging isang pamilya kung saan ipauunawa nila sa  kanilang mga anak ang kaugalian at tamang asal ng mga Pilipino.

Sa panulat ni Mel Mendoza-del Rosario na lumikha ng ‘Tangina-ina’ movie series, ang ‘Familia Blondina’ ay may mithiing magdala ng saya at katatawanan sa pamilyang Pilipino.

Kasama ni ‘Queen Mother’ sa pelikula ang ilan sa mga pinaka-sinusundang batang aktor at aktress sa industriya tulad nina Marco Gallo, Kira Balinger, Xia Vigor, Chantal Videla, Heaven Peralejo, at Awra Briguela.

Mula sa produksyon ng Arctic Sky at inihahatid ng Cinescreen, ang ‘Familia Blondina’  aipinapalabas na sa mga sinehan simula pa noong Pebrero 27.

* * *

Ngayong Linggo sa  “I-bilib,”  bumisita si Arra San Agustin at nakasamang muli si Chris Tiu, James and Roadfill para mag-produce ng homemade pH indicator paper gamit ang red cabbage juice.

Sa isang segment malalaman di nya ang sikreto sa likog ng flotating penicil ni Chris.

The viral “Pitikalamansi” challenge gets its own “Bilibabols” treatment, as Kapuso kiddie stars participate.

Gaan o ba ka-astig ang isang bundle ng buhok ng tao? Madidiskubre ito ng the “Street Genius” team katuwang ang 10 tao at isang kotse.

The team also discovers the effect of submerging a heated bottle full of steam into a pitcher of cool wine.

Finally, sa “Huling Hirit,” bibigyan ni Chris ang gang ng isang puzzle: how to split a Swiss cross shape in 6 pieces, gamit lang ang 2 straight cuts.

Lahat ng ito sa inyong laging inaabangang i-Bilbi sa GMA.

 

* * *

Uy, isa na rin palang manunulat si Sen. Nancy Binay. Nung Miyerkoles nakipag-lunch ang senadora sa mga manunulat bilang isa ring manunulat. “Break muna sa kampanya and other legislative duties,” sabi nya. “Gusto ko lang ipaalam sa inyo na nakalabas na ang aking book, ang Make Love Not War na kung saan sine-share nya ang mga tip on surviving social media. Ito ay inilathala ng ABS-CBN Publishing. Kasama niya dito ang social media celebrity/parody Senyora Santibanez.

 

 

Related posts

Leave a Comment