KAILANGAN NI LIZA NG CHALLENGING ROLE MINUS QUEN

lizasoberano12

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

MATAPOS tumangging maging Darna dahil sa kanyang finger, gagawa na lang daw ng isang teleserye at isa pang pelikula si Liza Soberano na kasama si Enrique Gil. Na naman?

Wala na ba talagang mas challenging role na maipapagawa kay Liza kung di ang isang pelikula na kasama si Enrique Gil? Wala na rin ba silang maisip na role para doon sa Enrique Gil kung di maging lover na lang ni Liza?

Sino nga kaya ang die-hard Liz-Quen fan diyan sa ABS-CBN?

Kung hindi man makagawa ng action si Liza dahil sa finger niya, hindi ba puwedeng subukan naman siya sa isang mas mabigat na role para mapatunayan na niya ang pagiging aktres niya? Hindi rin ba posibleng makakuha siya ng ibang leading man bukod kay Enrique Gil?

Related posts

Leave a Comment