KAI SOTTO IMPRESIBO KONTRA AL RAYYAN

MAS impresibong Kai Sotto ang nanguna sa Gilas Pilipinas Youth sa 79-54 panalo nito kontra Al Rayyan kahapon sa Doha, Qatar.

Ang game laban sa Al Rayyan ay bahagi ng dalawang  tuneup games bilang preparasyon ng Batang Gilas para sa 2019 Fiba Under-19 World Cup.

Nagposte ang 7-foot-2 na si Sotto ng 19 puntos sa episyenteng 7-of-10 shooting, dalawang rebounds, dalawang assists, dalawang blocks at isang steal sa 26 minutong paglalaro nito.

Nagambag naman ang frontcourt partner niyang si AJ Edu ng six points, seven boards, five assists at three blocks; eight points at five rebounds mula kay Geo Chiu; at tig-nine points naman sina Rhayyan at Gerry Abadiano.

Nagpakita ng mas magandang ball movement ang Batang Gilas sa kabuuang 26 assists ng team at pinuwersa ang Al Rayyan sa 23 turnovers.

Lumamang ng hanggang 30 points, 79-49, pa ang 14-man lineup ni coach Sandy Arespacochaga, na ginamit ang lahat ng kanyang players sa naturang game.

Ayon kay Arespacochaga, gusto niyang makita ang laro ng lahat ng players bago niya madesisyunan ang kanyang final roster.

Muling haharapin ng Gilas Youth ang Al Rayyan sa Miyerkoles bago ito tumulak sa Heraklion, Greece para sa global youth basketball showpiece.

Related posts

Leave a Comment