KAHIT NAG-SORRY NA; ALEX HAHARAP KAY MAYOR OLIVAREZ

alex21

(NI GORGY RULA)

MULA  mismo sa mga taga-Paranaque nanggaling ang balitang idedeklarang persona non grata si Alex Gonzaga dahil sa komento niya sa isang kampanya noon tungkol sa pandurugas daw sa mga taga-Paranaque.

Nasa entablado siya noon ng kalaban ng incumbent Mayor Edwin Olivarez at doon niya sinabing gaya ng kalaban daw ng tatay niya, nadugas din daw sila. Tipong ganun na ang dating pinatatamaan nito si Mayor Olivarez.

Kaya kaagad nagkalat iyun, at nung kamakalawa nang gabi lang sinabing ipa-persona non grata siya.

Nanggaling naman mismo sa Paranaque City Administrator Ding Soriano na wala pa raw ganung order mula kay Mayor Olivarez.

Pero nakatakda nang makipagkita si Alex kay Mayor Olivarez para personal na mag-apologize.

Text naman niya sa isang kaibigang dati niyang nakatrabaho, wala raw siyang sinasabing ganun. Pero makikipag-meet  nga raw siya para mag-apologize.

Nangampanya doon si Alex para sa partylist na Juan Movement na ini-endorse niya.

Suporta na rin niya iyun kay Dominic Ochoa dahil kaibigan niya ang asawa ng aktor na si Denise Go.

Sabi naman ni Arnelli Ignacio na isa rin sa sumusuporta sa Juan Movement, wala raw siya sa kampanyang iyun at tingin daw niya, kung anu-ano lang naman ang lumalabas sa bibig ni Alex.

“Alam nyo naman si Alex kung anu-anong pinagsasabi. Pero wala sa kanya yun,” natatawa na lang na pahayag ni Arnell.

Tingin naman ng ilang staff ni Mayor Olivarez, hindi raw niya pinersonal ang isyung iyun kaya alam nilang maaayos nila yun.

Kahit nga si Toni Gonzaga ay alam niyang haharapin naman daw ng kapatid niya ang pagkakamaling iyun, mag-sorry at mag-move on na.

 

PROMISE NI BACOOR MAYOR LANI MERCADO: ” SUSUKLIAN NI SEN.  BONG ANG SUPORTA NINYO”

 

“Stop the hate, Spread the love,” yun lang ang pakiusap ng reelected

Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla sa lahat na patuloy pa ring umaatake sa asawa niyang si Sen. Bong Revilla

Kaya siya nag-post na tigilan na raw ang ganung pamba-bash kay Sen. Bong dahil sobra na raw ang masasakit na ibinabato laban sa kanya, pati sa buong pamilya.

“Kasi nakakapagod na rin. Feeling mo na the country was so divided. Parang naaawa ako sa mga tao na bumoto kay Sen. Bong at sinasabing bobo sila. Parang, it’s so unfair kasi may mga tao na maliit…yung mga magsasaka na bumoto kay Bong. Meron ding nakakaangat especially yung members ng mga religious sector na sumuporta sa kanya.

“Huwag naman natin sila paratangan ng kung anu-ano. Tao lang sila na may paniniwala na may paninindigan. Sana, huwag naman ganun.

“Basta lahat na bumoto kay Bong, rest assured na susuklian yan ni Sen. Bong Revilla ng tapat na paninilbihan,” pahayag ni Mayor Lani.

Kaya kapag maproklama na raw ang asawa niya, talagang paghahandaan daw niya ang pagbabalik niya sa Senado na parang nagsimula raw ito ulit para linisin lang ang pangalan niya.

“This is his second chance in life eh. Iri-rebuild niya ulit ang pangalan niya from the very beginning…ah hindi naman from the very beginning.

“Kumbaga, meron siyang gagamutin. Kailangan niyang patunayan sa mga tao na mali ang mga akusasyon sa kanya…na mali sila. So, extra effort yun para kay Bong,” seryosong pahayag ni Mayor Lani nang nakausap namin sa radio program namin sa DZRH nung Biyernes nang gabi.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment