JUDY ANN UMAASA PA SA REUNION PROJECT NILA NI PIOLO

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

UMAASA pa rin si Judy Ann Santos na posible pa silang magkatambal ni Piolo Pascual sa isang proyekto. Matagal nang napababalitang muling magkakatrabaho ang dalawa pero hanggang ngayon ay hindi pa ito nangyayari. “Lagi naman tinatanong ‘yan sa bawat press conference. Gaya ng sinabi ko, wala namang imposible, with a right project, it will always happen, always happens. It’s just that wala akong mapusuan na script,” nakangiting pahayag ni Judy Ann.

Ayon sa Young Superstar ay marami talaga siyang natatanggap na alok na proyektong kasama Piolo pero hindi pa niya matanggap ang mga ito. “Marami, maraming-marami. Hindi nawawala ang offer that’s for sure and that I can say. It’s just, if I see a project na para sa amin ni Piolo, sasabihin ko naman eh. It’s just that it’s been too long and we do not want to present a movie na basta na lang, para lang magkaroon ng Juday-Piolo project,” kwento ng aktres.

Para kay Judy Ann ay kinakailangan mas maging mapili o maingat na siya ngayon para sa mga proyektong ginagawa. “Habang tumatagal, lalong nagiging kritikal. Kasi mas gusto kong maayos ang takbo ng istorya. It should be well worth the wait, and habang hindi pa kami gumagawa ng project ibig sabihin, wala akong nagugustuhan na istorya. Ako actually and dahilan kasi ako ang namimili ng project talaga,” pagtatapos ni Juday.

Matatandaang taong 2006 pa huling nagkatambal sina Judy Ann at Piolo sa pelikulang ‘Don’t Give Up On Us Baby.’ -Reports from JCC-

 

Related posts

Leave a Comment