JUDY ANN SANTOS AT PIOLO PASCUAL,WALANG IMPOSIBLE

JUDY ANN-PIOLO-2

Sa finale presscon ng teleseryeng Starla ng DreamscapePH na pinagbibidahan ng ating television superstar na si Judy Ann Santos,

Kinumpirma niya na pahinga muna siya sa paggawa ng series.

Hindi naman  sa namimili na siya, iba  kasi ang kinakaing oras while taping a series kumpara sa paggawa ng pelikula.

Of course, alam naman nating pamilyadong tao na ang sikat na aktres kaya mas gusto niyang tapusin naman this year ang dalawang pelikulang natanguan na niya last year.

But she told us na hindi naman siya nagsasara ng pinto that anytime na may magandang TV project na ibibigay sa kanya basta’t magustuhan niya ay magtatrabaho siya.

Sa 16 weeks na umariba sa ratings ang Starla, sa pagtatapos nito ay naging maboka si Juday sa pagsabing nakabuo siya ng bagong pamilya kasama ang buong cast ng Starla na mami-miss niya  talaga. Thankful si Juday sa naging smooth run ng taping. Umaasa siyang in the future ay makakatrabaho pa niyang muli ang mga ito. Sa presscon ay iginiit naman ni Juday na okey sila ni Piolo Pascual. When asked about sa kanilang nabinbing proyektong pelikula together,  wala naman daw imposible  sa kanila.(Dominic Rea)

Related posts

Leave a Comment