JUDAY HINIHINTAY PA RIN NI PIOLO

PIOLO JUDAY12

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

SI Judy Ann Santos lang ang hinihintay ni Piolo Pascual para matuloy na ang reunion movie nila na as we all know ay noon pa talaga pinaplano’t matagal na ring hinihintay ng kanilang mga fans.

Ayon kay Piolo kung kelan pwede si Juday, he’ll make himself available dahil nga gustong-gusto na niyang matuloy ito.

“It’s just a matter of time, I guess. When she’s free already to do the film. But I’m keeping my fingers crossed. I hope, bago kami tumanda, that’s what I always say.

“And anytime she’s free, I’ll make myself free to her,” sabi ni Piolo nang makatsikahan namin sa contract signing niya with AMA Online Education (AMA OED) as its new Ambassador.

Kamakailan nga ay nag-viral pa ang video ng aksidenteng pagkikita nila sa elevator kung saan ay makikitang okay na okay naman talaga sila.

“Juday and I will always be friends no matter what happens, you know. Pag nagkikita kami, parang. . .Wala naman talagang issue sa amin, eh,” sey pa ng aktor.

Pero sa ngayon, talagang wala pa raw kasiguraduhan or kahit time-frame kung kaylan sila magsasama ulit. Meron daw siyang reunion film na ginagawa ngayon under Star Cinema pero ayaw pa niyang sabihin kung sino ang ka-reunite niya but definitely, hindi si Juday.

“I’m in talks with Star Cinema for another film. But just the same, I cannot disclose it yet. We’re shooting already but I’m excited for that because it’s a reunion film as well,” sey niya.

Samantala, perfect na perfect si Piolo para maging Ambassador ng AMA OED since mayroon din siyang scholars na pinag-aaral. Marami na siyang napagtapos, actually na bihira ang nakakaalam dahil hindi rin naman niya ipinamamalitang masyado.

Kaya nga natutuwa siya dahil pwede silang magkaroon ng partnership ng AMA for the scholars.

“This is a good opportunity for the scholars that we have, for those who are still in high school or grade school, we can set up a program for them for college,” he said.

 

VALERIE DECEMBER BRIDE OF NON-SHOWBIZ BF

 

Bumalik na si Valerie Concepcion sa dati niyang manager na si Becky Aguila na una niya talagang manager bago siya lumipat sa pangangalaga ni Arnold Vegafria noong 2015.

Ayon kay Valerie nang makapalitan namin ng text message, natapos na raw ang kontrata niya kay Arnold kaya kinausap niya ulit ang dating manager.

“Wala naman po kasi kaming problema ni tita Becky. Even when I wasn’t with their agency, I would still text her pag may occasions,” saad ni Val.

Noon pa ay si tita Becky na raw ang itinuturing niyang second mom.

“So, when my contract ended, it was either ako na lang with my mom (ang mag-manage sa sarili) or back to tita Becky. And I chose the latter because as I’ve said, Tita Becky is like a 2nd mom to me.

“She’s been there for me from the start and I really appreciate that,” pahayag pa ng aktres.

Sobrang happy raw siya ngayon na back in each other’s arms na sila ng kanyang pangalawang ina.

“Happy po ako kasi welcome na welcome pa rin po ako kina Tita Becky and Kat (Katrina Aguila, Becky’s daughter) and I’m grateful for that,” sey pa ni Val.

Sa December na ikakasal si Valerie sa kanyang non-showbiz fiancée na si Albert Sunga. Kasalukuyan na silang nagpeprepara for the wedding pero keri pa rin daw na tumanggap ng work.

 

 

 

Related posts

Leave a Comment