JODI NANINIWALANG MAKIKILALA ANG FOREVER

jodi1

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

LIMANG taon lamang tumagal ang pagsasama ni Jodi Sta. Maria at dating asawang si Pampi Lacson. Binatilyo na ngayon ang anak ng dalawa na si Thirdy at nananatili namang magkaibigan sina Jodi at Pampi kahit hindi na magkasama sa iisang bubong. Noong isang taon ay nakahiwalayan din ng aktres si Jolo Revilla bilang kasintahan. May anak na si Pampi sa aktres na si Iwa Moto habang si Jolo naman ay masaya na rin sa bago nitong nobya.  Ngayon ay walang karelasyon si Jodi at kahit ilang beses nang napapahiwalay ay hindi naman daw nakararamdam ng takot na muling umibig ang aktres.

“No, that’s something na never kong kinatakutan. But of course we learn our lessons from all our experiences but I would always say that I have never lost faith in love,” makahulugang pahayag ni Jodi.

Dahil sa mga pinagdaanang relasyon ay naniniwala umano ang aktres na makikilala rin niya sa takdang panahon ang lalaking makakasama sa habambuhay. “Love, I guess I am in the season also of preparation. God is preparing me for someone in the same way that, that person is being prepared for me,” giit niya.

Kahit walang karelasyon si Jodi at hindi naman siya natatanong ni Thirdy kung kailan muli iibig. “I guess hindi siya magtatanong because wala naman siyang nakikita. Most of the time, talagang kaming dalawa ang magkasama. So alam niya, hindi niya kailangang magtanong, and kahit hindi naman siya magtanong, ako rin naman ang very open sa kanya,” pagtatapos ng aktres.

-Reports from JCC-

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment