JANINE HINDI PABOR SA PAGBABALIK-GMA NI SEN. BONG SA ‘AGIMAT NG AGILA?’

(NI GORGY RULA)

ILAN sa mga kaibigan sa showbiz ang nag-react sa komento ni Janine

Gutierrez sa tweet ng GMA Network tungkol sa bagong programang aabangan sa taong 2020 ang Agimat ng Agila ni Sen. Bong Revilla Jr.

Sabi sa tweet na iyon, “Handa na ba kayong muling mapanood sa telebisyon si Senator Bong Revilla? Abangan siya ngayong 2020 sa #AgimatNgAgila!”

Reaction ni Janine; “Oh God”

May isang follower na kaibigan niya siguro na nag-comment ng “hahahahaha!”

Sinagot niya ng “Di ko kaya besh.”

Hindi dahil sa malapit ako kay Sen. Bong at kilalang-kilala ko siya.

Pero hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Janine sa komentong iyon.

Pero sa abot ng aking kaalaman (na maaring mali ako), hindi siya pabor sa pagbabalik ng actor/politician sa showbiz.

Ilang beses na ba binabanggit ni Sen. Bong na bread and butter niya ang pag-aartista. At alam naman siguro ng karamihang artistang pumapasok sa pulitika.

Sa pagkakaintindi ko rin ay serbisyo publiko ang pagiging senador o ano mang posisyon sa pulitika.

Magmula nang lumabas si Sen. Bong sa Camp Crame pagkatapos siyang ma-acquit sa kasong Plunder, isang taon din muna siyang naghintay bago napagdesisyunang bumalik na sa telebisyon at paggawa ng pelikula.

Tama ba ang isang kapwa artista ang magpahayag nang pagkontra sa pagbabalik trabaho ng isang artista?

Kahit sa ano mang propesyon, napaka-improper na magbigay ng hindi magandang komento sa kapareho mo ng propesyon.

Dito sa pagbabalik-Kapuso ni Sen. Bong, parang ang sakit na isa ring kapwa Kapuso ang kumokontra.

Aware naman siguro si Janine na pasya iyun ng network na mas alam naman nila ang kanilang desisyon at ginagawa.

Kagaya nang pagrespeto ng ilang artista sa pagbigay ng magandang programa sa kanya kahit hindi naman nagri-rate ito lahat.

Nirerespeto namin ang sarili niyang pananaw sa isyu ni Sen. Bong. Pero isyu ng pulitika iyun Janine. Hindi bilang artista kagaya mo.

Ano kaya ang mararamdaman mo kung isang araw, may isang kapwa mo artista ang magkomento na bakit kinukuha ka pang magbida sa pelikula gayung wala ka pang napatunayan sa boxoffice?

Pero walang artistang magsasabi ng ganoon Janine. Ewan ko kung kaya mo sabihin ‘yon!

MAY ROAD CLOSURE AT STOP AND GOL/COUNTERFLOW SCHEMES SA TAGUIG CITY

Sa Linggo, December 22 na  magsisimula ang 45th Metro Manila Film Festival na bubuksan ng isang makulay at napakahabang parada.

Okay lang daw ang mahaba, pero huwag lang daw sana umulan at sabi nga in Maine Mendoza ng Mission Unstapabol, hindi lang sana maulit ang nangyari noong nakaraang taon na ilang floats ang nabalahaw at naglabu-labo na ang takbo ng parada.

TIniyak naman ng local government ng Taguig na na hindi iyon mangyayari at inayos na nila ito nang mabuti.

In-announce ng Metro Manila Development Authority na magkakaroon ng road closure at ‘Stop and Go/Counterflow schemes sa naturang lungsod mula alas-dose nang tanghali hanggang alas-siyete ng gabi.

Magsisimula raw ang parada sa  Taguig Lakeshore Hall  sa Barangay Lower Bicutan at magtatapos sa Mckinley West sa BGC.

Para sa mga interesadong manood ng parada at sa mga naninirahan sa Taguig at kalapit nito; magsisimula nga ang parada sa Lakeshore (C6), kakanan sa ML Quezon Avenue, at kaliwa sa MRT Avenue, kanan sa Cuasay, kanan sa CP Garcia (C5 Road), left turn to Upper McKinley Road, kanan sa Lawton Avenue, at kakanan Mickinley Parkway, kaliwa sa 32nd Street, kaliwa sa 7th Avenue, kanan sa 26th Street,  kaliwa 5th Avenue, kaliwa sa Le Grand Avenue at  Chateau Road.

Sa mga motorista,  sarado ang ML Quezon mula Dr. A Santos hanggang MRT, mula ML Quezon hanggang Cuasay, mula MRT hanggang C5, C5 Service Road corner Cayetano Boulevard.

Puwede naman mag-counterflow sa Upper Mckinley Road (C5 to Lawton Avenue), Lawton to 5th Street (Upper Mckinley to Mckinley Parkway), at 32nd Avenue (Mckinley Parkway to 7th Avenue).

Ang ‘Stop and Go’ traffic scheme naman at i-implement sa C5 hanggang Upper Mckinley, C5 Service Road to Sampaguita Bridge, Mckinley Parkway to 26th Avenue.

Magbubukas naman ito uli ng alas-siyete ng gabi. Kaya kung wala naman gaanong lakad, mas mabuting huwag nang lumabas o manood na lang ng parada ng walong pelikulang kalahok at iba pang mga karosa na inihanda ng lungsod ng Taguig.

Inaasahang magi-enjoy nang husto ang mga fans na magtitiyagang mag-aabang sa mga kalye dahil ang karosa ng Mission Unstapabol nina Vic Sotto at Mendoza, susundan ng Culion ni Iza Calzado, pangatlo ang Write About Love nina Miles Ocampo at Rocco Nacino, pang-apat ang Tripol Trobol nina Coco Martin, Jennylyn Mercado at Aiai delas Alas, sumusunod ang Miracle in Cell No. 7 ni Aga Muhlach, at ang horror na Sunod ni Carmina Villaroel, pampito ang Mindanao nina Judyann Santos at Allen Dizon, at panghuli ang The Mall the Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis.

Sa December 25 na magsisimula ang showing at sa December 27 ang Gabi ng Parangal na gaganapin sa New Frontier Theater na kung saan paparangalan bilang Hall of Fame sa mga natanggap nilang acting awards sina Nora Aunor, Vilma Santos, Maricel Soriano, Amy Austria, Eugene Domingo, Cherie Gil, Christopher de Leon, Cesar Montano at ang namayapang si Anthony Alonzo.

Kinukuha kang magbida gayung wala ka pang napatunayan…

 

Related posts

Leave a Comment