JANE HINDI NAGING GF NI ARJO

JANE32

(NI BOY ABUNDA)

BAGO pa man naging kasintahan ang miyembro ng Girltrends noon na si Sammie Rimando ay si Jane Oineza muna ang naka-date noon ni Arjo Atayde. Taong 2016 nang magsimulang lumabas sina Jane at Arjo pero hindi naging opisyal na magkasintahan ang dalawa.

“Hindi naman umabot sa gano’n, wala pong gano’n. Busy kasi pareho so hindi umabot sa gano’n. Wala po akong issue sa kanya. Sa scheduling din, parang naudlot na hindi na natuloy,” pagtatapat ni Jane.

Kahit sinasabing nagkakamabutihan na umano ngayon sina Arjo at Maine Mendoza ay wala naman daw problema kay Jane kung sakaling magkasama sila ng aktor sa isang proyekto. “Oo naman, wala naman sa akin. Magaling siyang actor at it would be interesting kung ano ang kalalabasan kung magkakaroon kami ng project together,” giit ng aktres.

Samantala, kamakailan ay nakatambal ni Jane sa pelikulang ‘Finding You’ si Jerome Ponce. Ayon sa aktres ay malaki na ang ipinagbago ni Jerome bilang isang aktor. “Proud ako kay Jerome na nag-mature siya as an actor at nakita ko ‘yon. Pero team player tayo dito, bigayan. Dapat parehong makikita ‘yung characters namin, wala namang dapat na lamunang nagyayari. Nag-mature siya as an actor and nakita ko binigay niya talaga ‘yung all niya sa pelikula,” pagbabahagi ni Jane.

Kabilang din sa nasabing proyekto si Barbie Imperial at ayon kay Jane ay siya ang nakaisip na isama rin sa pelikula ang kaibigan. “Kasi magkasama kami sa Christmas Special ng ABS-CBN and naghahanap ng mga gaganap na ex ni Jerome dito. Sabi ko si Barbie baka pwede tapos tinanong ko din siya, close kami. And then ayun, pinaalam na namin sa Star Magic. Sila na ‘yung nag-usap-usap. And masaya ako na natuloy na nakasama namin si Barbie sa pelikula. Though wala kaming eksena dito masyado,” nakangiting pahayag ng dalaga. -Reports from JCC-   

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment