JAMES REID SA SOCIAL MEDIA POSTS NA LANG NABABASA

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

SI James Reid din, parang never heard. Aba eh nakikita na lang namin siya sa mga sarili niyang post sa social media. Umalis siya sa mga dati niyang managers, natural putol na ang lahat ng support sa kanyang career. Iyon namang iba, hindi rin siya sinusuportahan dahil hindi rin naman sila sigurado na magiging cooperative siya kung tulungan man nila.

Aywan kung papaano niya ipo-promote ang kanyang music. Hindi puwedeng sa social media lang at kahit na sino magsasabing ang malaking bahagi ng puhunan sa musika, nabubuhos sa promo. Maliban sa kanyang mga die hard fans, mayroon bang magda-download ng kanyang musika nang may bayad?

LUMIPAT NG PICK UP POINT ANG  HI-CLASS MALE MODELS AND PLAYERS

Dahil siguro nabubulgar na sila sa isang lugar doon sa harapan ng isang upscale mall sa Makati, lumipat na pala ang mga “models at basketball players” sa isang lugar diyan sa Pasig. Istambayan nila ngayon ang city ni Mayor Vico Sotto, kung saan naman sila dinadayo ng kanilang mga gay admirers.

Naniniwala kaming totoo Tito Kc, dahil noong gabi dalawang “cagers” na kilala sa alam mo na kung ano ang naka-istambay sa isang high class na coffee shop sa lugar na iyon, at nakita rin namin na pareho silang sinundo ng dalawang magkaibang kotse, at  take note, parehong luxury cars.

Iyon ngang mas sikat na cager sinundan namin ng tingin dahil ang sumundong sasakyan ay isang Mercedes Benz na V12, tiyak iyon milyonaryo ang may ari. At hindi na siya naghintay na puntahan, dahil nang makita niya ang sasakyan, alam niyang iyon na ang susundo sa kanya.

 

Related posts

Leave a Comment