ISA PANG PANGARAP NI ALDEN NATUPAD

Wish granted sa  mga pangarap ni Alden Richards na maging host para sa pinakabagong GMA musical game show na “Centerstage.”

Ang “Concert Queen”/producer naman  na si Pops Fernandez, ay isa sa mga  judge sa naturang contest.

Nitong lingo lang sa GMA news, sinabing magiging malaking hamon para kay Alden ang mag-host ng “Centerstage” dahil bata ang mga contestant.

Ayon kay Alden, pangarap niya noon pa man na mag-host ng isang game show.

“Na-e-excite ako dito kasi I want to learn from them as well ‘yung mga bata… That’s what I wanted to see now, how would I interact with these kids, these talented kids,” sabi ni Alden.

Kasama ni Alden sa singing competition ang kaibigan niyang si Betong Sumaya, na journey host ng programa.

Judge naman sina Kapuso diva Aicelle Santos, composer at musical director Mel Villena at ang balik-telebisyon na si Pops Fernandez.

Magiging maingat daw sila kung paano tuturuan at pipiliin ang mga mananalo sa contest.

“Mahirap siya kasi lahat ng tumatayo diyan sa stage, nangangarap na makilala bilang isang mang-aawit and for me I’m very particular in choosing my words. Kasi you don’t want to discourage them,” sabi ni Aicelle.

“I love kids, I love children and siyempre sa atin lalong lalo na, hindi tayo nagpapahuli na mga Pilipino when it comes to talent. Batang bata pa lang nakikita na natin yung mga talent ng mga Pinoy ‘di ba? I’m excited to see the kids, I’m curious to see how good the turnout will be,” ayon naman kay Pops.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment