IPINAGKASUNDO BA NI INA ANG BINATANG ANAK SA DALAGA NI AIKO?

Aiko Melendez-Ina Raymundo

ANG GARA NI VINIANAG-VIRAL kamakailan ang larawan nina Aiko Melendez at Ina Raymundo kasama ang kani-kanilang anak na sina Martina Jickain, 13, at Jacob Paturnak, 15, respectively. Kuha ang larawan mula sa dinaluhan nilang wedding reception na ipinost ng dalawang aktres sa kani-kanilang social media account.

Umani na agad ito ng katakot-takot na reaksyon ang nasabing larawan at pinagma-match ng mga netizens ang dalawang bagets at komento nila, the two look good together.

“Bagay!” ang iisang komento ng netizens.

Last Wednesday, sa set visit ng seryeng Prima Donnas ng GMA-7 ay nahingan namin ng reaksyon si Aiko tungkol sa pagma-match sa mga anak nila ni Ina at natatawa na lang ang aktres.

Kwento ni Aiko, kasal ng sister niya ‘yun and since family friend nga si Ina ay invited ito sa wedding.

“Nagkataon na nandu’n ‘yung anak ko siyempre, dahil wedding ng kapatid ko. Tapos si Ina, dinala niya ‘yung son niya. Sabi ko, ‘magpa-picture lang tayo.’ Wala lang ‘yun, parang walang malice.

“Tapos, pinagpe-pair na pala ng mga tao. Sabi ko kay Ina, “Ina, ‘yung pinost natin, nag-viral, baka mamaya, seryosohin ng tao. Lugi ako dahil bata pa ‘yung aking babae.’ Tapos, tawa siya nang tawa,” kwento ni Aiko.

Actually ay bagay talaga tingnan ang dalawang bagets at parehong gwapo’t maganda. May nagsasabi na nga ngayon pa lang na future heartthrob ang anak ni Ina habang si Martina naman ay kamukha ni Aiko na very pretty rin.

Sabi nga namin ay pwedeng maging loveteam ang dalawa if ever na mag-aartista ang mga ito, pero ani Aiko ay wala raw hilig mag-artista si Martina at sports daw ang hilig nito’t gustong maging athlete.

Samantala, sa Prima Donnas ay ginagampanan ni Aiko ang papel na kontrabida bilang si Kendra. Pinagbibidahan ito ng tatlong Kapuso young stars na sina Jillian Ward, Athea Ablan at Sofia Pablo na napapanood sa afternoon slot ng GMA-7.

 ALAM NG ANAK NI KATRINA HALILI NA MAY IBANG DYOWA ANG TATAY NIYA

Alam naman pala ni Katrina Halili noon pa na magkakaroon na ng panibagong baby si Kris Lawrence na ama ng kanyang anak na si Katie.

Kamakailan ay nanganak ng baby boy ang non-showbiz girlfriend ni Kris at ayon kay Katrina, nagpaalam naman daw sa kanya ang ex-bf.

“Kasi di ba, laging pumupunta si Katie sa kanya, sinusundo niya, nagpaalaam siya sa akin, kasi, parang sabi niya, ‘yun nga, ayaw naman niyang ma-felt bad na kapag nandu’n daw ‘yung girlfriend niya, tapos si Katie, nandu’n, so pinaalam niya na may girlfriend siya and may (coming) baby,” kwento ni Katrina sa set visit pa rin ng Prima Donnas.

Ano ang na-feel niya nang magpaalam sa kanya si Kris na magkakaanak na ulit ito?

“Wala, happy ako. Sabi ko, ‘congrats.’ Matagal na (kaming wala), 7 yrs na, move on na tayo,” she said.

Okay din naman daw kay Katie na may bago na itong kapatid at nakita na nga raw nito ang baby brother.

Ang maganda raw nito, hindi na siya kinukulit ngayon ni Katie na magkaroon ng kapatid.

“At least, meron na siyang kapatid. Nasagot na ng Papa niya,” natatawa pang sabi ni Katrina.

Seven years old na si Katie at seven years  na rin daw siyang walang love life.

“Hindi ko ‘to gusto. Feeling ko, totoo ‘yung kasabihan na kapag okay ang career, minsan, hindi ok ang lovelife. Feeling ko sa akin, kasi ‘yung iba, okay naman na may lovelife at career. So, okay lang.”

At least daw ay nakakapag-focus siya kay Katie lang at sa kanyang work. Kung dadating daw ang love life ay kusa na lang daw itong dadating.

Samantala, sa Prima Donnas for a change ay mabait naman at inaapi ang role ni Katrina at sey nga niya, hiniling niya talaga ang papel na ito since parati na nga lang siyang kontrabida in the past.

In fairness ay nae-enjoy naman niya ang kanyang role pero ‘yun nga lang, lagi siyang iyak nang iyak sa mga eksena.

Ngayong Biyernes ay magaganap na ang isang pinakaabangang tagpo sa Prima Donnas at ito ay ang pagkikita finally ng tatlong magkakapatid na Donnas (Jillian Ward, Althea and Sofia) at ng kanilang ina na si Lilian (Katrina). Abangan ang madamdaming eksena na ito at ihanda na ang mga tissue.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment