I ADMIRE ANG PAGIGING REAL NI ELLEN ADARNA — IVANA ALAWI

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

PASABOG ang kaseksihan at pagiging daring ng dating Star Struck alumna na ngayon ay isa na talagang Kapamilya star na si Ivana Alawi.

Si Ivana ang nagbibigay ng “init” sa pang-hapong serye ng ABS-CBN na “Sinong May Sala? Mea Culpa.” Palaban kasi itong si Ivana na isa rin sa mga PPL artist.

Palagi nitong sinasabi na ang peg niya sa kaseksihan ay ang ina ng anak ni John Lloyd Cruz na si Ellen Adarna.

“I admire her talaga and yung pagiging real niya,” sey ni Ivana.

Pero mukhang sa pagiging daring ay puwede pa yatang higitan ni Ivana ang iniidolo. Kahit sa serye nila, marami itong ginulat sa mga daring scene nila ni Kit Thompson.

When asked kung may limitasyon ba siya sa pagpapaseksi, “Well, okay lang ako na magpakita ng skin, kissing scene, bed scene pero ‘wag lang yung talagang hubo’t-hubad na, yun lang yung limitation talaga.”

Graduate ng dalawang kurso si Ivana. Fashion Design at Culinary at single raw siya sa kabila ng naiintriga ito na ang karelasyon ay ang dating actor at ngayo’y elected na Governor ng Laguna na si Dan Fernandez.

“Well, we’re just friends. Matagal na kaming magkaibigan and family friends talaga.”
Sa mga hindi nakakaalam, si Ivana ay kapatid ng dating Kapuso child star na si Mona Louise Rey.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment