HEART WILLING TUMIRA SA SORSOGON TO BUILD SHELTER FOR DOGS

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

Hindi na senator’s wife si Heart Evangelista kungdi Governor’s wife na dahil nga sa pagkakapanalo ng kanyang asawang si Chiz Escudero bilang governor ng Sorsogon.

Kaya naman ngayon, we could expect na mas madadalas na ang aktres sa Sorsogon para suportahan ang mga proyekto ng mister.

And of course, isa rin si Heart sa pinaka-unang nag-congratulate sa bagong Sorsogon Governor.

“Congratulations to my Governor Chiz Escudero!  You’ve worked in the senate for such a long time, but now, it’s time for you to concentrate in your beloved Sorsogon, the place which you and your family have loved for years.

”For the past few months, you’ve told me endlessly about your plans for Sorsogon – developing their tourism, sports programs, health programs, and agricultural industry. I cannot wait to see your visions come to life.  Sorsogon, it’s your time to shine!

“My love, I’ll always be here for you, cheering you on forever,” ang post ni Heart sa kanyang Instagram account.

Ngayong gobernador na ng Sorsogon ang mister, nagpahayag na rin si Heart na willing siyang mag-stay na sa nasabing lalawigan. Sa panayam ng GMA News sa kanya, sinabi ng aktres na mahirap man para sa kanyang trabaho ay kakayanin niya ito.

“I have to go! Although I’ll be constantly working, pero kakayanin ko,” Heart was quoted saying.

Kung sakali, ani Heart ay gusto raw niyang magkaroon ng shelter for abandoned dogs sa Sorsogon.

“You know I don’t mind having a little house there. I really love dogs and I really wish to have a shelter there for dogs.

“If things turn out the way we want, as much as I can, I really want to help out in the animals there. I don’t mind actually staying there. I really enjoy it there, super!”

                  GT NA ANG GIRLTRENDS NA PINALAKAS AT PINAGSANIB-PUWERSA

Mula sa pagiging isang all-girl dance group ng “It’s Showtime,” mas pinalakas at mas palaban ang pinagsanib-pwersa at talento ng pitong miyembro ng bagong GirlTrends na ngayon ay tatawagin nang GT sa paglulunsad sa kanila bilang isang pop group.

Bagong look at isang debut single ang unang handog nina Mica Javier, Krissha Viaje, Chie Filomeno, Mikee Agustin, Sammie Rimando, Joana Hipolito, at Dawn Chang sa pagbabagong bihis ng grupo bilang recording artists at performers.

Pinamagatang “Breakthrough” ang single na isinulat at ipinrodus ng member na si Mica Javier na hatid ang mensahe ng women empowerment at pagiging positibo sa kabila ng mga dagok sa buhay.

Sa bagong GT, isa sa lead vocalists si Mica, na isa ring music producer, indie artist, at theater and film actress. Kasama niya sa lead vocals ang family breadwinner na si Krissha, na una nang ipinamalas ang galing sa pagkanta nang manalo bilang isa sa representatives ng bansa sa global talent competition sa Japan na “Nodojiman the World” noong 2017.

Lead dancer naman ng grupo ang host-actress na si Dawn, na sumikat para sa dance covers niya mula nang sumali sa “PBB” noong 2015. Game rin sa hatawan ang main dancer na si Joana, isang dating university cheerleader at “It’s Showtime” dancer.

Kilala naman si Chie para sa kanyang prangka at masiglang personalidad, palabang social media posts, at pagiging isang professional racer. Produkto rin ng “PBB” ang makulit at masayahing si Mikee na isa ring online sensation dahil sa kanyang song covers.

Samantala, si Sammie, 21, ang pinakabatang miyembro ng grupo at isa sa mga pinakakilalang Pinoy stars sa app na TikTok.

Sa ngayon ay out na ang music video ng Breakthrough na mapapanod sa You Tube kung saan ay  makikita na kung gaano ka-hot, ka-sexy at ka-daring ang bagong GT ngayon.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment