GAZINI GIRL, GO GET THE CROWN!

(NI GORGY RULA)

BAKIT parang hindi gaanong excited ang mga bading sa laban ni Gazini Ganados sa Miss Universe 2019?

Iyan ang inaabangan ngayong araw, pero marami ang ‘di gaanong interesado dahil feeling nila hindi makalalaban nang bonggang-bongga ang ating kandidata.

May mga ilang tumutok sa preliminary pageant nito nung nakaraang Sabado, at hindi sila gaanong na-impress sa performance nito.

Halatang hirap daw itong lumakad sa evening gown niya.

Hindi siya gaanong matunog kung ikumpara mo kina Pia Wurztbach at Catriona Gray.

Si Miss Thailand ang malakas, kaya baka ang naturang bansa na naman ang makasungkit ng korona pagkatapos ng panalo sa Miss International at Supranational.

Solid naman ang suporta ng mga kapwa beauty queens sa labang ito ni Gazini, kaya tingnan na lang natin.

Si Pia ang isa sa nag-post kaagad noong kamakalawa lang ng suporta niya kay Gazini.

Sabi niya sa kanyang Instagram account; “Good luck kisses from me to you! The whole Philippines is rooting for you @gazini and I always got your back girl! You were born to do this Go get the crown.”

YENG MAY PA-ACOUSTIC

Ngayong hapon ay may pa-acoustic live session si Yeng Constantino sa

112 Delgado, Quezon City bilang bahagi pa rin ng promo ng MMFF entry ng TBA Studios na Write About Love.

Ang ganda ng rendition ni Yeng ng kantang Ikaw Ang Akin na bale theme song ng naturang pelikula.

May remake din siya ng Kapag Ako ay Nagmahal na feel na feel niya ang pagkakanta sa sa awiting ito.

Kaya mukhang may laban ito sa Best Original Theme Song.

Pero sa mga nakapanood ng naturang pelikula nung premiere night, ang dami nang nakapansin sa galing ni Yeng at puwede siyang lumaban sa Best Supporting Actress.

Hindi naman ini-expect yan ni Yeng. Ang gusto lang daw niya ay mapansin siya sa pelikulang ito dahil gusto na rin niya talagang pasukin ang pag-arte.

Talagang inasam niya kasi ang role na napunta sa kanya, dahil dumaan daw siya talaga sa audition.

“Ang panalangin ko po talaga for this project na kung makitaan po ako ng potential ng industriya, sana marami pong kumuha sa akin,” pahayag ng singer/actress nung nakaraang premiere night.

Magiging abala si Yeng sa bagong album niya next year. Kaya maaring maisasantabi pa muna ang balak nilang magka-baby.

“Two years ago po nagplano kami, nag-try, hindi po nangyari. Tapos, yun po…okay lang di po na hindi siya nangyari kasi ang dami rin po naming….in a way, blessing in disguise na rin para maging maganda na rin po ang future ng maging anak namin sa mga investments na ginagawa namin ngayon,” saad niya.

Kapag nakita nating normal uli ang kulay ng buhok niya, baka subukan daw niya uli ang mabuntis.

“Nag-try pa nga po ako two years ago na nag-normal ng kulay kasi nag-try talaga kami…eh hindi pa eh.

“Pero kung ano man po ang kalooban ng Panginoon, iyun na po,” sabi pa ni Yeng.

 

Related posts

Leave a Comment