FOR MOTHERLAND: KAHIT MAY SAKIT BUMOTO

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

NAKAHABOL naman pala sa botohan si Kris Aquino last Monday kahit masama ang kanyang pakiramdam.

Nag-post siya bandang gabi ng larawan niya na nakalagay ang kamay sa dibdib at sa darili ay makikita ang indelible ink na senyales na bumoto siya.

“Yesterday we expressed love for all our mothers for guiding us, nurturing us, and loving us… today let’s honor our MOTHERLAND by voting, and help in tho the shaping & protecting of the Philippines’ destiny.

“Kagaya ng pakiramdam ng bawat anak, na ayaw mapahiya o maging pabigat sa nanay, na ang hangarin ay pwede syang ipagyabang ng kanyang ina dahil napalaki syang mabuti, masipag, matulungin, matalino, at mapagkakatiwalaan, ganun sana ang adhikain nating lahat tungkol sa Philippines. To make the country we love proud that we are her children,” ang caption ni Kris sa kanyang larawan.

Noong maaga pa kasi ay nagpahayag si Kris sa kanyang IG na hindi siya makaboboto dahil nilalagnat siya.  She also expressed her dissapointment na hindi niya maiboboto ang mga sinusuportahang kandidato for senators.

Pero mukhang gumanda na ang pakiramdam ni Kris later in the day kaya pinilit niyang bumoto at hinangaan naman siya rito ng kanyang followers.

“Good example Ms Kris! Kahit may sakit ka, bumoto ka pa rin!” komento ng isang netizen at marami pang similar comments.

ANDREA NAGLULUKSA

Nagluluksa si Andrea Brillantes dahil sa pagpanaw ng kanyang itinuturing na lolo. Ipinost ng young actress sa kanyang Instagram ang kanyang pagdadalamhati at ramdam na ramdam mo ang sakit ng kanyang kalooban sa kanyang mga pahayag.

“To the best lolo and one of my number 1 fan (dahil isa dun si mami susan) , thank you sa pag tayo bilang tatay saakin at sa mga kapatid ko kahit hindi man kita kadugo naging tunay na lolo ka parin samin.

“Maraming salamat sa walang kapaguran na pag alaga sa aming lahat. Isa ka sa pinaka matatag at matapang na kilala ko kaya salamat sa pagiging isang good role model sakin, Isa ka sa mga dahilan kung bakit ako matatag ngayon.

“Salamat dahil lagi kang naniniwala sakin at lagi mo kong sinusupportahan sa mga pangarap ko… promise mas pag iigihan ko ang trabaho ko at tutupadin ko ang mga pangarap natin.

“Mamimiss ko mga kakulitan natin daddy jun.. mamimiss ko din mga jokes mo, ngiti mo, adventures natin pero alam ko na nasa mas mabuting lugar ka ngayon.

“Proud ako sayo dahil lumaban ka till the end i love you Daddy jun thank you for everything,” ang caption ni Andrea na ramdam na ramdam namin ang sinseridad.

Kalakip ng caption ay mga larawan ng kanyang “daddy Jun” at nakapa-touching ng isang picture na tinabihan pa niya ito sa hospital bed noong buhay pa.

Umapaw naman ang simpatiya at “condolences” messages ng kanyang mga kaibigan and supporters sa comments section.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment