FANS ‘DI MADIDIKTAHAN NI KATHRYN SA DANIEL-SARAH FILM

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

PARANG natatakot kami riyan sa pelikula nina Daniel Padilla at Sarah Geronimo. Kahit na nga sabihin ni Kathryn Bernardo na suportahan ang pelikula, hindi niya talaga madidiktahan ang mga fans. Dapat sigurong malaman ni Kathryn ang isang bagay. Noong ang mga pelikula niya ay nag-establish ng box office records, hindi kami naniniwala na minsan lang nanood ang mga fans nila noon. Hindi ganoon karami ang fans para makagawa ng ganoong box office record, kaya ibig sabihin ang mga fans nila ay nanood nang paulit-ulit, at iyon ay dahil nagustuhan nila ang pelikula.

Ang isang pelikula ay hindi magiging hit kung puro fans lang, nakuha nila ang publiko. At maraming hindi naman mga fans, pero nanood din nang paulit-ulit.

Kaya hindi masasabing dahil nanawagan si Kathryn sa kanyang mga fans, siguradong hit din ang pelikula nina Daniel at Sarah. Nakasalalay iyan ngayon sa lakas ni Daniel talaga.

Nakakatakot dahil hindi nabuhat ni Daniel ang mga pelikula ng tiyuhin niyang si Robin Padilla noon kahit na isinama siya sa pelikula. Ibig sabihin namimili rin ng pelikula ang mga fans ni Daniel. Ang tanong ngayon, magugustuhan ba nila ang pagsasama ng kanilang idol at ni Sarah Geronimo.

Iyan namang si Sarah, ok naman sana. Kaya lang matagal na siyang walang project. Medyo natatagalan na rin simula nang magkaroon siya ng hit song. Wala kang naririnig kung di ang mga activities nila ni Matteo, at idagdag pa natin, iyong pelikula nina ni James Reid, kumita rin naman pero hindi iyon ganoon kalaki ha. Ang malalaking hits ni Sarah, si John Lloyd pa ang kasama.

Kung ang pelikula nina Daniel at Sarah ay hindi rin maipo-promote nang mahusay, palagay naming aabangan na lang ng mga tao ang kopya niyan sa internet. Aba mabibilis ang mga pirata ngayon. Lumalabas ang buong pelikula sa social media at malilinaw pa. Akala mo nga walang Optical Media Board.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment