ENCHONG: WE ALL WANT A BETTER COUNTRY

boy abunda(NI BOY ABUNDA )

Mahalaga para kay Enchong Dee ang pagkakaroon ng isang tao ng opinyon tungkol sa kung ano ang nangyayari ang bansa. Bilang isang artista ay naniniwala ang aktor na malaki ang maitutulong niya para sa pagbabago ng bayan.

“It’s very important for me. First of all there’s a certain influence that are handed to celebrities. We have the power to make and affect change. And if you have that power, try to use it for the good. Try to use it to benefit the majority. So if we can make some changes along the way through social media or being active in socio-political issues. It’s supposed to be a responsibility,” makahulugang pahayag ni Enchong.

Nakapagtapos ng kursong Political Science ang aktor kaya aktibo rin sa pagpapahayag ng kanyang mga nararamdaman tungkol sa mga kaganapan sa bansa. Para kay Enchong ay nagsisilbing malakas na impluwensya ang mga artistang katulad niya lalo na sa mga tagahanga. “I always say that celebrities, or actors, or artists are the first defense of democracy. Kasi you have that instant following eh. So if you can give a light to a certain topic, or certain issue, or certain subject. Then go for it because we will all benefit from it. It’s a collective effort and we all want a better country. We all want a better life for the Filipino people,” paliwanag niya.

Umaasa si Enchong na mas marami pang kapwa-artista ang maging aktibo rin pagpapahayag ng mga opinyon para sa ikauunlad ng bayan. “Yes, I would like to encourage them but there’s a way wherein you can say your opinions without hurting anyone,” pagtatapos ng aktor. -Reports from JCC- 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment