EMOSYON NAILABAS NI MOIRA MATAPOS MA-BULLY

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

NARANASAN ni Moira dela Torre na ma-bully noong kabataaan niya. Ayon sa singer ay talagang mahirap ang kanyang mga pinagdaanan noon kaya nahilig sa pagsusulat.

“If you look at my journals when I was growing up, most of them started with, ‘I don’t know what to do anymore. I miss my family. Is this dream really for me? Is this actually possible? I have a crush, does he like me back?’ Things like that. So my prayers revolved around getting married, having my own family, my career,” pagbabahagi ni Moira.

Para sa singer ay malaking bahagi na ng kanyang buhay ang pagsusulat ng mga kanta. Dito nailalabas ni Moira ang iba’t ibang emosyon na kanyang nararamdaman. “I find my music as an outlet. Music helps me embrace whatever emotion I have. It helps me feel life more. Music has helped me so much in coping with my season,” giit niya.

Kamakailan ay nagpakasal na si Moira at Jason Marvin Hernandez kaya masayang-masaya ang singer sa bagong yugto ng kanyang buhay. Wala na raw ibang mahihiling pa si Moira dahil maganda rin ang takbo ng kanyang karera. “The past couple of years, it’s been so hard for me to feel my seasons, because everything’s happening too quickly. Everything happened in a span of two years. So while I’m grateful, I also feel like, ‘Hey! Wait, it’s happening too fast.’” nakangiting pahayag ng singer. -Reports from JCC- 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment