DINGDONG IIWAN SI MARIAN SA PAGPUNTA SA GERMANY

mariandon12

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

SA ngayon ay wala pa raw balak bumalik sa trabaho si Marian Rivera. Matatandaang ipinanganak ng aktres ang pangalawang supling nila ni Dingdong Dantes noon lamang April 16. Ayon sa aktor ay talagang ini-enjoy ngayon ni Marian ang pagiging ina kay Jose Sixto kaya hindi pa masabi kung kailan posibleng bumalik ang aktres sa trabaho.

“Hindi pa sa July. Hindi ko pa masabi kung kailan. Siguro, ini-enjoy pa niya ‘yung early stages ni Sixto. Kung may choice rin naman ako, ako rin eh. Hindi rin ako aalis ng bahay. Pero sabi ko, ‘Ako na munang bahalang magtrabaho para sa atin, relax ka lang diyan,” nakangiting pahayag ni Dingdong.

Samantala, pinaghahandaan na ng aktor ngayon pa lamang ang pagsali sa Berlin Marathon na gaganapin sa Berlin, Germany sa September. Para kay Dingdong ay mabuti na nang maging aktibo sa sports upang mapanatiling maayos ang lagay ng kalusugan. “Parang naging panata ko siya sa sarili ko saka sa pamilya ko. Lalo na nang ipanganak si Sixto. Sabi ko gusto kong i-renew ‘yung commitment ko sa kalusugan. Kasi dati naging active ako no’ng si Zia (panganay nina Marian at Dingdong) ipinanganak. Eh sabi ko, gusto kong ibalik ‘yon. So nag-commit ako na sumali sa isang marathon. Kasi siyempre parang reflection ‘yon na talagang committed ka di ba, na pagandahin lalo ‘yung health mo. so kung pumayat ka, resulta na lang ‘yon,” pagbabahagi ng aktor.

Nakasuporta rin umano si Marian para sa paglahok ni Dingdong sa nasabing marathon event. “Very supportive naman ‘yon sa lahat ng gusto kong gawin. Kaya nga lang, hindi siya makakasama dahil mag-aalaga siya kay Sixto,” pagtatapos niya.   -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment