DINGDONG, FINISHER NG 2019 BERLIN MARATHON

(NI GORGY RULA)

MATIYAGA naming tinutukan nung Linggo sa live streaming ng 2019 Berlin Marathon para magbakasakaling makita doon si Dingdong Dantes at ang grupo niya na sumali sa naturang Marathon.

Mahigit 50,000 runners ang sumali, kaya mahirap silang makita run.

Siyempre, ang tinutukan yung mga nangunguna na mga Olympic runner ng Ethiopia na sina Kenenisa Bekele at Birhanu Legese.

Mahaba ang itinakbo ng naturang marathon, na sabi nga ni Dingdong minsaan inaabot pa raw ito ng apat hanggang limang oras.

Nung pinanood namin sa live streaming, parang ang hirap nga naman mabuo ang mahigit 42 kilometer-race na iyun.

Hindi ko alam kung ilang oras na tapos iyun ni Dingdong, pero bago siya tumakbo, nag-post ito sa kanyang Instagram account na kuha roon sa Berlin.

Nasa caption ng post na iyun; “Sabi nga ng utol ko, ‘ang tunay na finish line ay nag-aantay sa bahay.’ Korek! I’ll be home soon my loves. This is it! @marianrivera #BerlinLegend #GottaRunInBerlin.”

Kaagad namang nag-comment si Marian sa post niyang iyun ng, “Go Dada! We love you.”

Nagbakasakali akong i-viber si Dingdong para tanungin sana kung natapos

niya ang buong run, pero kahapon lang siya nakasagot na natapos nga raw niya.

Akala ko nga hindi niya nabuo ang pagtakbo dahil may ipinost din siyang kuha ng grupo niyang tumakbo kasama roon sina Kim Atienza at Tim Yap.

Sabi niya, “I may not have crossed the finish line yet but I already feel like a winner because I had trained with these awesome and inspiring fellows.”

Pero pagkalipas ng ilang oras, nag-post na ang manager niyang si Perry Lansigan ng PPL Entertainment na proud siya sa na-achieve ng GMA Primetime King na natapos niya ang buong race.

Sabi ni Perry sa kanyang IG post; “I am proud new achievement! Natapos po ang Berlin Marathon with more than 50 thousand runners all over the world! Iba ka!

“Thank GOD and thank you to all those who prayed. Uwi na sa pamilya. Uwi ka na dito. You made me proud!”

Kahapon ay ipinost na rin ni Dingdong sa kanyang IG account ang beer at ang medal na nakumpleto niya ang buong race.

Ani Dingdong; “More than the finish line medal, I was just really looking forward to having this glass of cold beer with my teammates and friends.”

Congratulations kay Dingdong. Natupad ang matagal niyang pangrap na makatakbo sa Berlin Marathon.

 

Related posts

Leave a Comment