DIEGO LOYZAGA, BALIK-SHOWBIZ

(NI GORGY RULA)

NAPAG-UUSAPAN na ang pagbabalik daw sa showbiz ni Diego Loyzaga.

Nasa social media ni Teresa Loyzaga ang ilang kuha kay Diego na okay na okay na ito.

Hindi naman naidetalye kung ano talaga ang nangyari sa kanya, pero napapag-usapan naman kasi kung ano ang mga pinagdaanan niya.

Pero naikuwento sa amin ni Sunshine Cruz sa mediacon ng The Heiress na madalas daw dumadalaw daw si Diego sa kanila para maka-bonding ang  mga kapatid niya.

Kuwento ni Sunshine Cruz, halos araw-araw daw ay pumupunta sa kanila si Diego para maki-bonding sa mga kapatid niya.

“He visits my kids,” nakangiting pahayag ni Sunshine.

“May time na almost  everyday nandun siya sa house with my children. But, of course I respect their privacy, ayaw nilang ilabas yung photos, yung bonding ng mga kids.

“Natuwa nga ako, meron siyang kasama si Tong (Teresa Loyzaga)…napakabait na bata. Mahal na mahal ng mga anak ko si Diego,” sabi pa niya.

Hindi raw niya alam kung babalik na sa pag-aartista si Diego, pero lalo raw itong gumuwapo.

Kung ano man daw ang plano niya, gusto lang daw niyang iparating na all-out ang suporta nilang lahat.

Totoo kayang magiging Kapuso na siya?

“Kung ano man yung balak at plano niya sa buhay, nandito lang kami bilang Tita Shine at mga kapatid niya na mahal na mahal siya.

“Nandito lang kami to support him, lagi naman yun,” sabi pa ni Sunshine.

Sinundan namin ng tanong kung okay na okay na ba si Diego, at kumusta na siya ngayon.

“Ever since naman mabait eh. Kaya naintindihan ko naman siya,” pakli niya sa amin.

Natutuwa si Sunshine sa closeness ni Diego sa mga anak niya.

Pagdating sa kanilang ama, si Cesar Montano, mas gusto niyang huwag na lang pag-usapan lalo na’t ang The Heiress daw ang pinu-promote niya.

Sa November 27 na pala ang showing nitong horror movie ni direk Frasco Mortiz na pinagbibidahan nina Maricel Soriano at Janella Salvador.

 

ARNELLI NAPALUHA

Ang The Heiress ang isa sa mga pelikulang isinumite sa Metro Manila Film

Festival na nakakuha agad ng playdate na November 27.

Ang isa pang hindi rin nakapasok sa MMFF ay ang musical film na Damaso na kung saan bida naman dito si Arnelli Ignacio.

Natutuwa si Arnelli dahil nabigyan siya ng chance na makabalik sa pag-aartista at ang ganda pa ng project.

Si direk Joven Tan ang gumawa ng mga kanta, na kung saan 16 songs ang nabuo niya, pero hindi pala nagamit ang ibang kanta sa kabuuan ng pelikula.

Sa mediacon ng naturang pelikula, nagpa-sample ng ilang kanta ang ilang cast.

Hindi napigilan ni Arnelli na maluha nang kinanta niya ang ilang linya ng awiting Ako Na na kung saan doon daw niya ini-reveal na si Padre Damaso ang tatay ni Maria Clara, at sinasabi niyang siya na lang ang parusahan.

“Naka-relate ako sa kanta, Nung ni-record ko, naiyak ako talaga.

“Tatay din kasi ako. May mga pinagdaanan din eh,” pahayag ni Arnelli.

Pina-sample namin siya ng ilang linya sa kantang kinanta niya sa movie, naluha pa siya.

Mukhang inspired nga si direk sa mga kantang nilikha niya.

Balak nga raw nilang iikot din ito sa mga eskuwelahan, sa tulong ng DepEd.

 

Related posts

Leave a Comment