DESERVED NI ALDEN ANG SUPORTA KO

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

EXCITED  na ako sa Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Panoorin ko Ito sa sinehan dahil ipinangako ko ‘to kay Alden.

Deserved naman niyang suportahan dahil ang bait niya at sabi nga niya, isa ito sa malaking pagbabago sa career niya.

Thankful si Alden dahil ang bait ng mga taga-Star Cinema sa kanya, ramdam niyang welcome siya nung nag-promote ito sa ABS-CBN 2.

Sabi nga niya, kung mabibigyan siya ng chance na makagawa uli ng isa pang pelikula sa Star Cinema, open na open daw siya.

“Oo naman, Basta napaalam po ulit nang maayos, very much open po to work with them again,

“With this movie po kasi ang dami ko pong na-discover sa sarili ko at ang dami ko pong natutunan. So, I’m really looking forward for the next,” sabi ni Alden.

Nakatakdang umalis si Kathryn patungong Amerika para sa ASAP nila roon. Kaya sa umaga ng Miyerkules, puntahan na raw niya lahat na block screening para mapagbigyan niya ang mga fans.

Ang dami kasi talagang nagpa-schedule ng block screening at bilang pasasalamat, sisikapin nila ni Alden na mapuntahan ito lahat.

Kaya ngayon pa lang, kinu-congratulate ko na sina Alden at Kathryn.

Gusto ko lang pala malaman kung tutuloy pa ba ang pa-premiere night nila sa Hongkong.

Magulo kasi roon sa halos araw-araw na rally, kaya hindi raw advisable na pumunta sa naturang bansa.

Mabuti nga at natapos na ang gulong ito nang mag-shooting sila roon.

Pero gusto raw sana nilang maipalabas talaga ito sa Hongkong, bilang alay nila sa mga domestic helpers natin doon.

RIA TO BRO ARJO; ” GUARD YOUR HEART”

Gusto ko nga palang batiin si Rhea Tan ng Beautederm na magpagaling siya.

Nagka-measles  siya  kaya hindi natuloy ang renewal ng contract nina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado bilang kabilang sa mga celebrity endorsers ng mga produkto ng Beautederm.

Katatapos lang i-launch ng Beautederm ang mga bagong endorsers nila na mga bagets na naman ngayon.

Kinabibilangan nina Carlo Aquino, Matt Evans, Ejay Falcon, Alex Castro, Hashtag Ryle Santiago, Janr Oneiza, Kitkat at Ria Atayde.

Mga taga-ABS-CBN 2 muna yan, dahil meron pa silang mga bagong grupo rin na galing naman sa GMA 7.

Ang bongga bongga talaga ni Rhea Tan ng Beautederm!

Doon sa launching nila nung nakaraang Sabado, hindi naiwasang matanong si Ria tungkol sa relasyon ng kapatid niyang si Arjo Atayde kay Maine Mendoza.

Sabi ni Ria, hindi lang daw sila nagkikita nang madalas ni Arjo dahil panay ang biyahe niya.

Kapag wala siyang ginagawa, travel lang daw siya nang travel. Kaya halos two weeks na nga raw silang hindi nagkikita ng Mommy Sylvia Sanchez niya.

Si Arjo naman ay minsan lang daw sila nakapag-usap tungkol sa buhay pag-ibig niya.

Hindi naman daw niya pinapakialaman ang lovelife ng kapatid niya, pero ang sinasabi lang daw niya madalas ay mag-ingat lang ito.

“I just always remind him to be careful with his heart,” pakli ni Ria sa interview sa kanya doon.

Sabi pa niya; “Pagdating yan sa mahal niya, mahal na mahal.

“So, I keep telling him, just you know, ‘guard your heart.

“I don’t want him to be like a one-way thing, you know.”

Supportive naman daw silang pamilya sa lovelife ngayon ni Arjo. Nakikita naman kasi nilang masayang-masaya ito ngayon.

Pagdating naman sa lovelife ni Ria, mariin niyang itinatangging nanliligaw sa kanya si JM de Guzman.

Magkaibigan lang daw talaga, at close naman daw kasi si JM sa buong pamilya niya, lalo na sa Mommy niya.

Sa mga ganung event, dapat medyo ingat din si Ria na pag-usapan ang lovelife nina Arjo at Maine, at baka mapagbitantang pa siyang ginagamit na naman niya si Maine para mapag-usapan lang.

Kaya nga si Sylvia, iniiwasan niya talagang pag-usapan ang lovelife ng anak niya dahil naba-bash siya agad.

Pero medyo tahimik na nga ngayon ang mga fans ng AlDub. Siguro tanggap na nila kung sino ang gusto ni Maine. Suportado nila kung ano man ang choice ni Maine sa kanyang personal na buhay.

Kait nga si Alden ay suportado rin nila ang pelikula niyang Hello, Love, Goodbye.

NAKA-P30 MILLION NA ANG FAMILY HISTORY

Dinig ko halos naka-30M na raw ang Family History ni Michael V.

Sana maganda pa ang takbo sa takilya kahit may Hello, Love, Goodbye na inaasahang maghi-hit talaga sa takilya.

Maganda naman kasi ang feedback sa pelikula, kaya nga gusto nilang makagawa pa sana ng pelikula ang magaling na komedyante.

Pero ang mas natutuwa talaga ako rito para kay Dawn Zulueta.

Ang ganda ng feedback sa kanya sa pelikulang ito na talagang magaling daw siya.

Siya ang pinuri talaga rito, dahil consistent daw talaga siyang magaling.

Kaya naman namimili na talaga si Dawn ng mga projects na tinatanggap niya dahil yung gusto na niya talagang gawin. Hindi yung basta kumita lang, at para may ginagawa lang.

Gusto nya yung maganda ang kuwento at yung hindi pa niya nagagawa. Yung natsa-challenge ang pagiging aktres niya.

 

Related posts

Leave a Comment