COCO RUMAMPA SA MMFF 2019 PARADE OF STARS AS PALOMA

BAGO ang MMFF 2019  Float parade, Linggo sa Taguig City,  ito ang maugong: Coco Martin, absent  sa Parade of Stars?

Sana naman hindi totoo ‘yong narinig na tsika na baka hindi makasama sa Parade of Stars ng MMFF 2019 si Coco Martin na siyang bida ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon sa Linggo.  Surely,  marami ang malulungkot ‘pag nangyari ito.

Ang itinuturong dahilan kasi ay ang 1st shooting day ng bagong movie niya sa Star Cinema. Baka naman puwedeng mailipat ng ibang araw, Star Cinema. Marami ang nakiusap at nanawagan sa Star Cinema at ABS-CBN. Kasi si Coco ang bida sa pelikula  kasama sina Jennylyn Mercado, Ai Ai delas Alas, at Sam Milby. Siguradong hahanapin ng mga dabarkads at madlang pipol. Coco ay crowd drawer pa naman. Tapos inaabangan pa ang float niya.

Andaming nag-wish.

PINAGBIGYAN NG STAR CINEMA AT ABS-CBN

BREAKING NEWS: PALOMA, first time nagpakita in public! Hindi si Coco Martin kundi si Paloma ang nagpakita sa MMFF Parade of Stars na kasalukuyang nagaganap ngayon sa Taguig City. Sakay si Paloma sa float ng 3Pol Trobol. Si Paloma ay nakakaaliw na karakter ni Coco na mapapanood sa pelikulang  3POL TROBOL: HULI KA BALBON, isa walong entries sa MMFF 2019.

Look na lang ninyo  ang mga larawan ni Paloma sa float ng 3Pol Trobol kasama ang iba pang bida na sina Ai Ai delas Alas, Jennylyn Mercado atbp.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment