BOSSING VIC NINONG SA KASAL NI MAINE MENDOZA

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

IBANG Maine Mendoza ang humarap sa media sa naging grand mediacon ng Mission Unstapable, isa rin sa official entry sa 45th Manila Film Festival.

Very open na rin siyang pag-usapan ang boyfriend na si Arjo Atayde. Na nang tanungin nga ito kung sa scale na 0-10, nasaan na ang relationship nila, natatawa at buong ningning na sinagot niya nang, “14!”

Although idinadaan sa biro, pero alam mong masaya ito ngayon sa lovelife niya and with Arjo. When asked kung napag-uusapan na nila ang future, napag-uusapan daw.

Nagbiro pa nga ito na 25 year old ang ideal age sa kanya to get married, e, 24 na siya ngayon.

Hindi diretsahang sinagot ni Maine ng yes or no ang tanong namin kung nakikita na ba niya si Arjo sa kanyang future. Pero sey niya, “Siyempre, hindi naman tayo magsasayang ng oras sa tao kung hindi natin gustong makasama habang buhay.”

Sa isang banda, ikatlong pagsasama na sa pelikula nina Maine at Bossing Vic Sotto ngayon sa Mission Unstapable. At kahit daw sino ang mapangasawa niya, sure na “ninong” niya si Bossing sa kasal.

“LIBRE AT MAGAGALING NA AKTOR”

Apat na taon na ang Ang Probinsyano sa telebisyon. Kapansin-pansin din na sa tuwing gagawa ng pelikula si Coco Martin, karamihan sa cast ay ang mga kasama niya rin sa serye.

Nagbiro si Coco na “libre” raw kasi.

Pero sey niya rin sa naging grand mediacon ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon na magagaling na actor raw kasi.

“Kumbaga, magagaling na actor po sila. Siyempre, kung ikaw ang magdi-direk, iisipin mo pa yung magwo-workshop pa, patuturuan mo pa. Siyempre, kung saan ka kumportable, sa ugali mo, alam na nila ang pacing mo.

“Parang yung katrabaho mo, kapamilya mo. Sila po talaga, maasahan mo sa trabaho, sa promo. Nagkakainintindihan na kami at kapamilya na ang turing.”

Nabanggit ni Vice Ganda na nang magkita sila, sinabi niya raw na okay lang siya na maging 1strunner-up nito sa MMFF ngayon.

“Honestly, wala kasi akong issue sa kung sino ang number 1, kung sino ang number 2. ‘Di ba, parang, iisipin mo pa ba yun sa dami ng ano?

“Masasabi ko lang na siguro, dapat ay kinakabahan ako ngayon. Pero ngayon, excited ako. Kasi, kapag maganda ang produkto mo, excited kang i-announce sa mga tao at confident.”

Sabi rin ni Coco, “Ako, kung ako ang tatanungin, siyempre, gusto ko na sige kahit na anong under pa kami basta alam ko na pagkatapos ng Metro Manila Film Festival, alam kong proud ako sa ginawa ko.Lalung-lalo na ako ang nag-produce at alam ko na hindi ako napahiya sa mga co-actors ko dahil artista rin ako.

“Eh, ‘eto, proud ako. At sa hirap ng buhay ngayon, sa hirap ng pinagdadaanan, sulitin naman natin ang ibabayad nila.”

Kasama ni Coco sa MMFF entry na 3Pol Balbon kunsaan, siya rin ang editor, director under his CCM Productions sina AiAil delas Alas, Jennylyn Mercado, Sam Milby at iba pa.

 

Related posts

Leave a Comment