BARBIE NAPUNO KAY JM KAYA NAWALA ANG LOVE

barbiejm12

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

AMINADO si Barbie Imperial na talagang napamahal siya noon kay JM de Guzman. Nagkamabutihan ang dalawa mula nang magkatambal sa teleseryeng ‘Araw-Gabi.’ “Oo naman po. Totoong in love naman talaga kaso wala, nagpe-fade siya eh, pag may mga nangyayari. Hindi talaga ako naniniwala na bigla-bigla na lang nagpi-fade ‘yung love, pero totoo pala talaga ‘yon kasi nangyari siya sa akin. ‘Pag napuno ka pala talaga sa tao, bigla na lang wala na,” makahulugang pahayag ni Barbie.

Kontrobersyal ang naging paghihiwalay ng landas ng dalawa at hindi malinaw kung ano talaga ang totoong dahilan nito. “Kahit naman sabihin niya na ready siya, ako naman, hindi naman ako ‘yung iisipin ko lang ang sarili ko na, siyempre bilang babae gusto natin ng label, di ba? Pero ako naman po, hindi ako ‘yung klase ng tao na parang alam ko eh, na hindi siya ready. So hindi ko naman ipipilit dahil lang babae ako at gusto ng label,” giit ng dalaga.

Masalimuot ang mga pinagdaanan ni JM bago pa nakilala at napamahal kay Barbie. Naramdaman naman ng aktres na talagang ibinigay din sa kanya ang lahat ng binata noon. “Alam ko rin naman ‘yung pinagdaanan ng tao at alam ko kung paano siya ma-inlove, na ibibigay niya talaga ‘yung mundo. Kaso hindi pwede ‘yung gano’n, eh. Kahit ako po mismo, sinasabi ko sa kanya na ‘Huwag mong ibigay sa akin ang mundo.’ Sabi ko, ibigay mo sa sarili mo,” paglalahad ng aktres. -Reports from JCC- 

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment