BAKIT ALAM NI PDU30 NA GUSTONG PALAYASIN NI SHARON SI SEN. KIKO?

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

HINDI naman daw totoong gusto nang palayasin ni Sharon Cuneta ang kanyang asawang si Kiko Pangilinan sa bahay nila. Mismong si Sharon ang nagsabi niyan.

Pero, hindi rin naman maliwanag kung sinabi nga ni Presidente Digong iyon. Magtataka ka rin eh, kasi nalaman iyon nang mag-react na ang anak ni Sharon na nasa Amerika. Sa dami ba ng reporter sa Pilipinas walang makapapansin kung may sinabing ganoon si Presidente Digong? Nakuha raw ng CNN, pero bakit walang ganoong report ang ABS-CBN, ang GMA, o ang TV 5, na lagi ring nakatutok ang coverage sa presidente.

Sa totoo lang nagtataka kami sa kuwentong iyan ha.

HOLLYWOOD STARS MAKAKASAMA NI COCO SA ANG PROBINSIYANO

Nagulat kami roon sa napanood naming video ng isang interview kay Coco Martin mula sa Rome, kung saan may promo sila ng kanilang mga programa na napapanood sa TFC. Sinabi niyang totoo, nakikipag-usap na sila sa ilang Hollywood stars na makakasama niya sa Ang Probinsiyano.

Isipin ninyo, iyong wala pang dalawang oras na pelikula ni FPJ, napahaba na nila nang apat na taon, ngayon sasamahan pa nila ng Hiollywood stars. Maliwanag na ang idea ng show ngayon ay hindi na original na mula sa pelikula ni FPJ. Talagang malaking bagay na hanggang ngayon nakalagay ang pangalan ni FPJ doon sa title ng Probinsiyano. Tribute na nila iyon sa original na Cardo Dalisay, pero hindi ba kung minsan unfair na rin iyon kay Coco dahil kailangang manatili siya sa ilalim ng anino ni FPJ ganoong siya na ang gumagawa ng Probinsiyano?

Maaari mo ngang sabihing siguro sa ngayon, maliban sa title at doon sa pangalan ng character, iyang Probinsiyano na napapanood ninyo sa tv, kay Coco Martin na iyan. Iyon nga lang ang masakit, dahil pinili niya noong una na gumamit ng palabas ng isang mas malaking artista, ang hirap makakawala sa anino noon.

Siguro hindi naman hihingin ni Coco na alisin na ang pangalan ni FPJ sa kanyang programa. Aba masasabi ngang malaking pagkakataon din iyong magamit ng kanyang show hanggang sa ngayon ang pangalan ng isang showbiz legend sa Pilipinas. Talaga namang isang alamat si FPJ kung ang pag-uusapan ay ang industriya ng pelikula dito sa ating bansa. Wala naman talagang makakapantay sa lahat ng kanyang mga nagawa.

Iyong Probinsiyano ay isa lang sa mga ginawa ni FPJ. Marami pang iba.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment