ARIELLA, WILLIE, ‘DI NAG-SWAK AFTER MAG-DATE

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

KAMAKAILAN ay naging kontrobersyal ang pandudura diumano ni Kylie Verzosa kay Maxine Medina sa isang eksena nila sa teleseryeng ‘Los Bastardos.’ Humingi naman ng paumanhin si Kylie kay Maxine apat na araw pagkatapos kunan ang naturang eksena. Ayon sa kaibigan ng dalawa na si Ariella Arida ay talagang ikinagulat niya nang mabalitaan ang tungkol dito. “Siguro mga ganitong bagay, may mga bagay talagang hindi mo maiiwasan at mabibigla ka na lang siguro sa mga eksena. On my part, co-actors naman kayo, it’s better siguro na mag-usap kayo before and after you do the scene. Parang gano’n,” nakangiting pahayag ni Ariella.

Samantala, matatandaang naging co-cost ang beauty queen ni Willie Revillame sa isang programa. Mula noon ay naging malapit ang dalawa at parehong single ngayon kaya nauugnay pa rin sa isa’t isa. “Tito Boy, alam naman ni Kuya Will, in fairness, mataas ‘yung respeto ko kay kuya Will. Ang tagal ko ring nag-work with him and I can attest Tito Boy na never ko naman na feel na… alam mo ‘yon,” paglilinaw ng dalaga.

Ayon pa sa Miss Universe 2013 3rd runner up ay hindi siya niligawan ni Willie at wala talagang namagitan sa kanila. “Wala po, kaya I’m super… ang taas ng respeto ko kasi kung ako may ma-feel ako na something na parang against my paniniwala sa buhay, hindi ako magtatagal sa gano’n. We’re still in good connection, good friends,” giit ng beauty queen-actress.

Inamin naman ni Ariella na minsan na rin silang lumabas ni Willie pero hindi nagkaroon ng espesyal na ugnayan. “Last year, pero hindi nag-work,” pagtatapat niya. -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment