APRIL MAY SHORT PANALO NG SCHOLARSHIP: MAG-AARAL NG  MODELLING SA EUROPE

Tyra Rae Florito Goldman

Magsisimula nang maaga ang Mutya Pilipinas sa Philippine Pageantry’s 2020 Calendar sa pagpapadala kay Tyra Rae Florito Goldman para mag-compete sa Top Model of the World.

Ang 5’9 1/2” , labing walong taong gulang na si Tyra ay may pusong Cebuana kahit ipinanganak sa United States of America.

Sa Cebu na rin siya nag-aral.

Greenhorn sa pageant, gusto niyang maging seasonmed and accomplished beauty queen.

Ang pinaka-end all goal niya ay maging isang doctor.

Isa sa mga leading international competitions nan aka-focus sa beauty at fashion ang Top Model of the World na ang pageant ay magaganap sa January 24, 2020 sa Meraki Resort sa Hurghada, Egypt.

Pang dalawampu pitong edition na ang Top Model of the World.

Ang dinaluhan naming event kamakalawa sa CWC Interiors sa BGC ay nagging victo-ry party na rin para kay April May Short na nakapasok sa top 12 ng World Top Model sa Monte Carlo, Monaco noong December 14, 2019.

Kauna-unahang pagkakataon na nagpadala ang bansa ng representative.

Ang impressive finish ni April na napagwagian niya ang 2 month scholarship sa Top Model of the World Academy sa Italy.

Sa Mayo ayaalis na si April May  para simulant ang kanyang training at kanyang mod-elling career.

Samantala, naghahanda na ang Mutya para sa 2020 na may  great expectation. Na-katuon  ang lahat ng paghahanda para sa September competition sa kanilang national search at magsisimula ang paghahanap ng mgaworld class beauties sa Abril.

Related posts

Leave a Comment