ANGELICA, CONCERT PRODUCER NA RIN

(NI BOY ABUNDA)

BUKOD  sa pagiging isang aktres ay abala rin ngayon si Angelica Panganiban bilang isang producer. Kasama ng dalaga na magpo-produce ang mga kaibigang sina John at Camille Prats, Isabel Oli at Sam Milby sa kauna-unahang concert nilang Hueniverse Music Festival na gaganapin sa September 28 sa Filinvest Events Grounds.

“Matagal na namin ‘to pinag-uusapan. Nagsimula ‘to tuwing nagpupunta ako sa mga music festival abroad. Lagi akong excited ‘pag nagkukuwento ako sa kanila with my experiences and na-inspire din sila na makagawa din nga tayo sa Philippines,” nakangiting bungad ni Angelica.

Muling lumakas ang benta sa merkado ng OPM (Original Pilipino Music) kaya hindi nagdalawang isip ang aktres at mga kaibigan para ituloy ang nasabing concert. “Nakakatuwa kasi makikita na ulit ‘yung mga OPM artist natin na nakakatuwa, kasi mainit na ulit sila ngayon. Marami na ang mga Pilipino na sususuporta sa OPM,” dagdag ng dalaga.

Para kay Angelica ay masarap sa pakiramdam na mayroon siyang ibang bagay na pinagkakaabalahan maliban sa pag-arte sa harap ng kamera. “Something different. Lahat naman siguro kasi nakaka-depressed na artista na lang ba ako habang buhay ko? Wala na ba akong ibang kayang gawin? Lilimitahan ko na lang ba ang sarili ko? Kaya very fulfilling na may iba pa akong kapasidad and i-explore ang sarili ko sa ibang areas pa na hindi naman din malayo sa acting, na halos nasa isang industry pa rin naman,” paliwanag ng aktres.

Pagkatapos mag-produce ng concert ay pinapangarap naman ni Angelica na makapag-produce ng pelikula. Malaki ang pasasalamat ng dalaga sa mga kasamahang kapwa artista at producer dahil talagang magkakatulong sila sa pagbuo ng nasabing concert. “Very understanding naman sa akin. Nagbibigay naman kami ng input and hindi naman din kami nagpapahuli sa mga chat and talagang updated kami kahit na hindi kami madalas na present sa mga meeting,” pagbabahagi ni Angelica. -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment