ANG SEXY NG GF NI RAYVER

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

ANG sexy ng girlfriend ni Rayver Cruz. Ngayon lang namin nakita nang naka-bikini talaga si Janine Gutierrez at masasabi nga sigurong isa siya sa pinaka magandang artista natin sa ngayon. May talent din naman iyong bata.

Nang lumipat sa Channel 7 si Rayver, hindi niya ikinaila na ang isa sa mga dahilan noon ay para makasama niya sa mga projects si Janine, pero simula nga nang lumipat siya,kung kani-kanino na siya itinambal pero hindi kay Janine.

Bakit nga ba hindi. Sana iyong project na medyo sexy silang dalawa.

***

Available na uli sa market…?

MALE STAR PANAY POST NG HALD-NUDE PICS NIYA

Panay ang post ng isang dating male star, na noong una pa naman ay kinakitaan sana ng acting potentials ng kanyang mga pictures na half nude. Isa lang ang ibig sabihin niyan, sabi ng isang oberserver. Gustong iparating ng male star sa lahat ng “friends” niya na available pa rin naman siya kahit na siya ay may asawa na at dalawang anak sa ngayon. May negosyo naman daw ang male star, pero hindi naman ganoon kalaki ang kita “kaya kailangan pa rin siyang mag-sideline”.

“Madalas niyang ka-date ang isang macho gay at ang partner noon. Mukhang napakadalas nila sa Tagaytay. Baka naman doon sila “nagkukuwentuhan”, sabi pa ng isa naming source

“Kuwentuhan” nga lang kaya ang nangyayari sa Tagaytay lalo na at ganitong maginaw?

Ano sa palagay mo Tito Kc?

 

Related posts

Leave a Comment